Sambayanang Pilipino, hinimok na patuloy na subaybayan ang impeachment trial laban kay VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,832 total reads

Hinimok ng isang political analyst ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, lalo na ang pagtalakay sa maling paggamit ng confidential funds na kabilang sa Article 1 ng impeachment.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Dr. Christopher Mantillas, Associate Professor ng Institute for Governance and Rural Development ng University of the Philippines Los Baños, na mahalagang maunawaan ng publiko ang mga isyung tinatalakay sa Senado sapagkat may kinalaman ito sa pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Mantillas, nakatuon na ang paglilitis sa Article 1, na tumatalakay sa maling paggamit ng confidential funds, kabilang ang kontrobersyal na ₱125 milyong confidential fund ng Office of the Vice President at ang mahigit isang daang disbursement na isinagawa sa loob lamang ng isang araw.

“Napakahalaga na masubaybayan ito ng mga tao dahil pagkatapos ng Article 1 ay maaari nang talakayin ang Article 2 tungkol sa unexplained wealth, at posibleng sumunod din ang Article 3 na may kinalaman sa bribery at procurement irregularities.” Bahagi ng pahayag ni Mantillas sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Mantillas na ang testimonya ng mga state auditors at mga opisyal ng bangko ay nagbigay ng mahahalagang impormasyon hinggil sa hindi pangkaraniwang paraan ng paglalabas ng pondo ng bayan na nagdudulot ng mga katanungan kaugnay ng transparency at accountability ng mga opisyal ng pamahalaan.

“Kapag tayo ay namamahala, may sinusunod tayong mga prinsipyo ng good governance tulad ng rule of law, transparency, at accountability. Kapag may mga pangyayaring nagiging kaduda-duda, mahalagang mabigyang-linaw ito.” Dagdag pa ni Mantillas.

Binigyang-diin din ng propesor ang command responsibility, kung saan sinabi niyang hindi maaaring ihiwalay ang pananagutan ng pinuno ng isang ahensya sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

“Hindi puwedeng may perang na-disburse na hindi nalalaman ng head of agency. Bago magamit ang pondo ng gobyerno, dumaraan ito sa iba’t ibang proseso at pag-apruba.” Ayon pa kay Mantillas.

Nagbabala rin si Mantillas laban sa mga pagtatangkang impluwensyahan ang opinyon ng publiko sa pamamagitan ng social media habang nagpapatuloy ang paglilitis.

Hinimok naman ng propesor ang publiko na umasa lamang sa mga mapagkakatiwalaang ulat ng media, mga eksperto, at mga legal na paliwanag upang higit na maunawaan ang mga usaping teknikal sa nagaganap na impeachment trial.

“Mag-ingat tayo sa mga naririnig natin sa social media dahil maaaring ma-weaponize ang impormasyon sa labas ng legal na proseso.” Ani Mantillas.

Sa bahagi ng Simbahang Katolika, ang mabuting pamamahala ay dapat na nakaugat sa katotohanan, pananagutan, at paglilingkod sa kabutihang panlahat kung saan tinatawagan ang mga lingkod-bayan na maging tapat na katiwala ng pondo ng sambayanan at pairalin ang transparency at integridad sa kanilang panunungkulan, upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan at maisulong ang tunay na katarungan at kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 26,570 total reads

 26,570 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 59,904 total reads

 59,904 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 92,049 total reads

 92,049 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 158,106 total reads

 158,106 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 175,662 total reads

 175,662 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top