Mas mabigat kaysa teknikalidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 239,395 total reads

Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa natin ito sa Mateo 23:23: “Kahabag-habag kayo…! Mga mapagkunwari! Nagbibigay kayo ng ikasampung bahagi ng maliliit na halamang tulad ng yerbabuena, ruda at linga ngunit kinakaligtaan naman ninyong isagawa ang mas mahahalagang turo sa Kautusan: ang katarungan, ang pagkahabag, at ang katapatan.”

Mahalaga ang sinasabi sa ating mga batas at mabuting sundin ang mga tuntunin, pero may mas mabibigat na bagay na dapat unahin, gaya ng katotohanan at katarungan. 

Ganito rin ang mensahe ng isa sa mga amici curiae (o “friends of the court”) na inimbitahan ng Senate impeachment court para hingan ng opinyon tungkol sa pagtatakda ng bilang ng botong kailangan para ma-convict o ma-acquit si Vice President Sara Duterte. Ayon kay retired Chief Justice Artemio Panganiban, kung magiging istrikto sa paggamit ng 16 na boto bilang katumbas ng two-thirds ng mga senator-judges, hindi patas ang kalalabasan ng impeachment trial. (Sa ating Konstitusyon kasi, nakasulat na 2/3 dapat ng mga bumubuo ng senado ang magpapasya sa isang impeachment trial, pero hindi naman 16 ang nakalagay sa teksto.) 

Ang punto ni Justice Panganiban, kung ang pamantayang gagamitin para bilangin ang mga dapat bumoto ay napakaistrikto at hindi na isinasaalang-alang ang mga senador na absent o hindi kwalipikadong magpasya, nawawalang-saysay ang katarungan at siguradong maa-acquit lang ang akusado. Para sa dating chief justice, hindi makatarungan sa publiko at sa proseso ng batas ang hindi pagdalo ng mga senador sa hearing at hindi pag-aaral sa mga ebidensya at pagkatapos ay susulpot na lang sa araw ng pagdedesisyon. Dagdag pa niya, dapat magsilbi ang mga tuntunin sa mas malawak na layunin ng paggagawad ng patas na hatol. 

Naniniwala rin si Justice Panganiban na ang Senado lamang ang may kapangyarihang magbago ng basehan ng pagboto depende sa kung sino ang aktwal na nakikilahok. Kung siya ang tatanungin, hindi 2/3 ng 24 ang threshold kundi 2/3 ng bilang ng mga senador na naglaan ng panahon para seryoso at aktibong makilahok sa impeachment trial. 

Anong say ninyo, mga Kapanalig? Sa tingin ninyo, okay lang bang bumoto at magdesisyon ang mga senador na nagtatago, hindi nagpapakita, nasuspinde, at nakakulong?

Mahigit sampung linggo nang tumatakbo ang impeachment trial ni VP Sara. Sa apat na articles of impeachment, tatlo na ang natatalakay—ang grave threats, ang hindi maipaliwanag na yaman, at maling paggamit ng confidential funds. Labing-apat na testigo na ang naipresenta ng prosekusyon, at may mga inaasahan pa sa mga susunod na linggo. Marami nang narinig at nalaman ang taumbayan—pero higit sa lahat, ang mga senator-judges ang unang dapat makaintindi at makapagtimbang sa mga ebidensyang iniharap at sinuri. Hindi nga natin sigurado kung ang mga pumapasok na senador ay masinop sa kanilang pag-aaral sa mga ebidensya at salaysay, paano pa kaya ang mga absent sa impeachment trial?

Ngayong narinig na ng senate-impeachment court ang posisyon ng mga amicus curiae, itakda na sana nito ang voting threshold na gagamitin para sa pagdedesisyon kung guilty o not guilty ang pangalawang pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno. Naghihintay ang taumbayan at wala nang panahong dapat sayangin ang ating mga senator-judges. Sabi nga ni Bishop Jose Colin Bagaforo noong isang taon, kung patatagalin pa ang impeachment trial, hihina ang tinatawag nating public trust o tiwala ng publiko sa mga institusyon ng demokrasya. Labag ito sa kabutihang panlahat o common good, sa katarungan, at sa katotohanan.

Mga Kapanalig, kung hindi man lahat ng senador, mas marami sana sa kanila ang magpasya batay sa katotohanan, katuwiran, at katarungan.

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 36,639 total reads

 36,639 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,466 total reads

 72,466 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 298,736 total reads

 298,736 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,204 total reads

 192,204 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,273 total reads

 284,273 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bagong mukha ng Boracay

 36,640 total reads

 36,640 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,467 total reads

 72,467 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 298,737 total reads

 298,737 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,205 total reads

 192,205 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »
Scroll to Top