Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 290,622 total reads

Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte.

Ito ang kasagutan ni Ex-Chief Justice Artemio Panganiban, isa sa apat na “Amici Curiea” o freinds of court na inimbitahan ng Senate impeachment court upang magbigay linaw sa kontrobersiyal na 2/3RD voting threshold upang ma-convict o ma-acquit si VP Duterte na nililitis sa paglabag sa apat na articles of impeachment.

Ang tanong ni Ex-CJ Panganiban, makatarungan ba na bumoto ang mga senador na nagtago, nag-abroad, o nagpa-hospital at nakakulong nang hindi man lang nakikinig sa testigo at hindi sumuri sa ebidensya?
Para kay CJ Puno, dapat gamitin ng Senado ang simpleng lohika at tamang pag-iisip. Hindi pwedeng magpa-espesyal ang mga absentee lawmakers habang pinaglalaruan ang katarungan.

Ibinahagi din nina dating EX-CJ Reynato Puno at Hilario Davide na ang constitutional voting threshold na kailangan para i-convict ang isang impeachable official ay dapat ibase sa bilang ng senator-judges na aktibong nakikilahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Pinagtatalunan sa impeachment court ang sinasabi ng Article 11, Section 3(6) kung saan ang voting threshold ng 16-Senators para i-convict ang isang impeachable officer ay fixed at immutable.

Sinabi ni CJ Puno, na kung ito ang intensiyon ng Article 11, Section 3(6) ng 1987 constitution ay nakasaad na ang number of votes to convict ay 16, period. Pero hindi ito ang interpretasyon ng article 11, Section 3 (6).

Iginiit ni CJ Davide, Those who are detained abroad, suspendido, nagmedical leave, at nagtatago ay hindi maaaring isama sa phrase na “ all the members of the Senate”.

Ipinapayo din ni CJ Panganiban sa Senator-judges na “Those who are imprisoned, abroad or otherwise unable to fully participate in the proceedings are not in position to render a truthful and fair judgement”. Kung wala ka sa proceedings hindi mo nasubaybayan ang ebidensiya at testimonya, paano ka makakagawa ng truthful at fair judgement?

Kapanalig, simple lamang ang argumento., kung hindi ka present para humatol, huwag mong piliting humatol. Ganun kasimple ang lohika na sinasabi ng mga dating chief justice ng Korte Suprema. Sinasabi nila, nasa Senator-Judges ang kapangyarihan pagdating sa impeachment trial. Ang kanilang hatol base sa kanilang rules ay absolute, hindi maaring kuwestiyunin at pakialaman ng Korte Suprema.

Sa kasalukuyan, dalawang Senador ang nakakulong ng walang piyansa dahil sa kasong plunder sa Sandiganbayan, isa ang nagtatago dahil sa warrant of arrest ng International Criminal Court sa kasong crimes against humanity habang ang isang Senador ay tatlong beses nang nagfile ng medical leave at nasa abroad sa kasalukuyan. Dahilan dito, sinasabi ng tatlo sa apat na “friends of the court”, wala silang karapatan bumoto sa impeachment trial ni VP Duterte!

Kapanalig, dapat tingnan at isapuso ang ROMAN”s 2-4: He will judge everyone according to what they have done. He will give eternal life to those who keep on doing good, seeking after the glory and honor and immortality that God offers. But he will pour out his anger and wrath on those who live for themselves, who refuse to obey the truth and instead live lives of wickedness.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 7,630 total reads

 7,630 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 107,162 total reads

 107,162 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 190,192 total reads

 190,192 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 284,523 total reads

 284,523 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 345,881 total reads

 345,881 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 7,631 total reads

 7,631 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 107,163 total reads

 107,163 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 190,193 total reads

 190,193 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 284,524 total reads

 284,524 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »
Scroll to Top