Misa ng bayan, idaraos sa paggunita ng Batas Militar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,630 total reads

Magdaraos ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ng Misa ng Bayan bilang paggunita sa Batas Militar, at pag-alala sa mga karanasan ng mga Pilipinong dumanas ng pagdurusa sa panahong iyon.

Isasagawa ang banal na misa sa Setyembre 21, 2026, alas-10 ng umaga, sa Cubao Cathedral, Quezon City, na pangungunahan ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF, DD, JCD.

Inaanyayahan ng CMSP ang mga consecrated persons, religious communities, clergy, lay partners at lahat ng taong may mabuting kalooban na makiisa sa panalangin at paggunita sa mga karanasan ng mga nagdusa sa panahong ito ng kasaysayan ng bansa.

Layunin din ng pagtitipon na dalhin sa panalangin ang patuloy na pagsusulong ng dignidad ng tao, katotohanan, katarungan, pagkakasundo at pangmatagalang kapayapaan.
“The Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) invites consecrated persons, religious communities, clergy, lay partners, and all people of goodwill to gather in prayer and remembrance. As we remember this chapter of our nation’s history, we bring before the Lord the experiences of those who suffered and all who continue to work for human dignity, truth, justice, reconciliation, and lasting peace.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Hinihikayat ng CMSP na ang pag-alala sa nakaraan ay magsilbi ring paalala sa tungkuling maging mga tagapagtatag ng kapayapaan at mga saksi sa katotohanan.

Tema ng nakatakdang Misa ng Bayan ang “Katotohanan at Katarungan: Landas Tungo sa Kapayapaan,” na magsisilbing pagkakataon upang tipunin sa panalangin ang mga consecrated persons, religious communities, kaparian, lay partners, at lahat ng taong may mabuting kalooban.

Ayon sa CMSP, sa paggunita sa isang mahalagang kabanata ng kasaysayan ng bansa ay muling maihaharap sa Panginoon ang mga karanasan ng mga nagdusa, gayundin ang patuloy na pagsusulong para sa dignidad ng tao, katotohanan, katarungan, pagkakasundo, at pangmatagalang kapayapaan.

“May our remembering deepen our commitment to become peacemakers and witnesses to the truth in our wounded world.” Dagdag pa ng CMSP.

Hinihikayat din ng grupo ang mga dadalo na gawing daan ang pag-alala upang higit na pagtibayin ang paninindigan sa katotohanan at katarungan at ang pagiging mga tagapagtatag ng kapayapaan sa gitna ng mga sugat at hamon ng lipunan.

Ang paggunita ay magsisilbi ring paalala na ang pananampalataya ay may pananagutan sa pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, pagkakasundo, at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,419 total reads

 38,419 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,166 total reads

 74,166 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,436 total reads

 300,436 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,904 total reads

 193,904 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,867 total reads

 285,867 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top