Beauty, medical, wellness tourism expo, binuksan sa SMX Convention Center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,055 total reads

Pinasinayaan ngayong araw sa SMX Convention Center sa Pasay ang Beauty + Health Wellness Manila, Airtech Philippines 2026 at Hotel and Food Service Suppliers Show 2026.

Ang industry expo ay pagtitipon ng mga kompanya, retailers, negosyante, Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs, at iba pang kabilang sa mga kaugnay na industriya kung saan kabilang sa event organizers at benefactors ang Hotel and Restaurant Association of the Philippines.

Iginiit ni Eugene Yap, head ng H-R-A-P ang kahalagahan ng industry expo bilang pagkakataon para makakilala ang mga bagong produkto, supplier at teknolohiya na makatutulong sa pagpapaunlad ng mga hotel at restaurant sa bansa.

Ayon kay Yap, mahalaga ang ganitong mga pagtitipon upang mapalawak ang kaalaman ng mga negosyo sa mga produktong gawa sa Pilipinas, gayundin sa mga international suppliers, at makahanap ng mga bagong kagamitan at solusyon para sa kanilang mga pasilidad.

Sinabi ni Yap na makatutulong ang mga bagong produkto, impormasyon at supplier na matutuklasan sa expo upang higit na mapabuti ang serbisyo para sa mga lokal at dayuhang bisita.

Binigyang-diin naman ni Department of Tourism Assistant Secretary for Branding and Marketing Communications Gissela Marie Quisumbing ang malaking potensyal ng health, medical travel at wellness tourism bilang mga mahalagang haligi ng pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

Ayon kay Quisumbing, umaabot na sa 6.3 trillion US dollars ang pandaigdigang wellness economy, na lumalago ng average na 5.9 percent kada taon at mas mabilis kaysa sa global GDP.

Ginagamit ng Pilipinas ang mayamang healing traditions ng mga Pilipino, kabilang ang hilot, lokal na pagkain, herbal treatments, indigenous oils at musika, upang makalikha ng natatanging Filipino wellness experience at mapalakas ang medical at wellness tourism sa bansa.

Kaugnay nito, mahigit 500 local at international brands ang lumahok sa tatlong expo na sumasaklaw sa mahigit 12,500 square meters na exhibition space at inaasahang tatanggap ng mahigit 15,000 trade buyers at decision-makers.

Ayon kay Quisumbing, mahalaga rin ang mga bagong kagamitan, teknolohiya at sustainable solutions na ipinapakita sa mga expo upang mapataas ang pamantayan ng serbisyo, kaligtasan at energy efficiency ng mga hotel, resort, restaurant at wellness facilities.
Kabilang din sa mga exhibitors ang Caritas Manila-Segunda Mana Program, na naglalayong ipakilala ang mga pangunahing programa nito at mahikayat ang publiko na maging daluyan ng pagmamahal at habag sa kapwa sa pamamagitan ng kanilang mga donasyon.

Maiuugnay naman ang pagsusulong ng sustainable at energy-efficient tourism infrastructure sa panawagan ni Pope Francis sa Laudato Si’ para sa responsableng paggamit ng mga yaman at pag-unlad na isinasaalang-alang hindi lamang ang paglago ng ekonomiya kundi pati ang kalusugan ng tao, kapwa at pangangalaga sa kalikasan.

Magpapatuloy ang tatlong araw na expo hanggang September 20 sa SMX Convention Center sa Pasay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,177 total reads

 50,177 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,952 total reads

 146,952 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,221 total reads

 191,221 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,330 total reads

 214,330 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,262 total reads

 287,262 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 28,418 total reads

 28,418 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top