Hindi dapat malunod sa legal technicalities ang impeachment trial kay VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,060 total reads

Dapat gawing simple at madaling maunawaan ng publiko ang proseso ng Impeachment at hindi ito gawing labis na teknikal na parang isang criminal case.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) former President Atty. Domingo Cayosa na mahalaga ang mga legal principles na inilahad ng mga dating Punong Mahistrado na sina Reynato Puno at Hilario Davide Jr. sa pagharap nila bilang amici curiae sa Senate Impeachment Court kaugnay ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Gayunman, sinabi nitong partikular na nakatulong ang presentasyon ni dating Chief Justice Artemio Panganiban dahil mas praktikal umano nitong naipaliwanag ang mga usaping kinakaharap ng impeachment court.

“Ang pinakapraktikal at pinaka-helpful ay ‘yung sinasabi ni dating Chief Justice Panganiban. Sapagkat maganda ‘yung kanyang presentation para mas madali at lalong maunawaan ng mga senador at ng ating mga kababayan.” Bahagi ng pahayag ni Cayosa sa Radyo Veritas.

Ayon kay Cayosa, hindi dapat malunod sa legal technicalities ang impeachment dahil pangunahing layunin nito ang pag-iimbestiga at pagpapanagot sa matataas na opisyal ng pamahalaan na maaaring hindi tumupad sa tungkulin, nag-abuso o nagkasala.

“Hindi ho naman ito ‘yung tungkol sa legal technicalities… dapat simplehan lang ng impeachment court.” Dagdag pa ni Cayosa.

Due process para sa magkabilang panig

Binigyang-diin din ni Cayosa ang kahalagahan ng due process sa paglilitis, hindi lamang para sa inaakusahan kundi maging para sa panig na nagsampa ng kaso.

Aniya, bahagi ng tungkulin ng impeachment court ang pakinggan at suriin ang ebidensya, testimonya at mga argumento bago magdesisyon.

“Ang due process, entitled din ho ‘yung nakakasuhan at ‘yung nagkaso.” Ayon pa kay Cayosa.

Paliwanag ni Cayosa bahagi ng prinsipyo sa isang impeachment trial na mahalagang personal na naroroon ang mga Senador na nakikinig sa paglilitis, nagsusuri ng ebidensya at nagtatanong upang magkaroon ng sapat na batayan sa kanilang magiging desisyon.

“Paano ka magde-decide kung hindi mo naman na-try? ‘Yung try ho, ‘yun ho ‘yung titingnan mo ‘yung ebidensya, suriin mo ‘yung mga testimonya, makinig ka, magtanong ka, mag-clarify ka.” Ani Cayosa.

Pantay na pagpapatupad ng batas

Kinuwestiyon din ni Cayosa ang tinatawag niyang special treatment para sa mga matataas na opisyal, at iginiit na dapat pantay ang pagpapatupad ng batas anuman ang katayuan ng isang tao.

Para kay Cayosa, mahalagang mapanatili ang prinsipyo ng rule of law sa proseso ng impeachment at maiwasan ang pagtingin na may ibang pamantayan para sa mga taong mataas ang posisyon.

“Maliit ka o malaki, may katungkulan o wala, patas ang pag-implement ng batas. Eh nasanay na kasi itong matataas na opisyal natin, pagdating sa kanila, para exempted sila palagi, special treatment. ‘Yun dapat hindi.” Ayon pa kay Cayosa.

Samantala, binigyang diin din ni Cayosa ang pananagutan sa katiwalian ay isa sa mahahalagang layunin ng impeachment.

“Dapat nga ho mas madali natin silang matanggal, ‘yung mga corrupt at abusadong mga opisyal ng gobyerno, lalong-lalo na ‘yung mga matataas, because with greater position comes greater responsibility.” Dagdag ni Cayosa.

Sa kasalukuyang impeachment trial, hinaharap ng Senate Impeachment Court ang usapin kung ilan ang kinakailangang boto para sa conviction.

Noong Setyembre 16, 2026 nagbigay ng magkakaibang legal na pananaw ang mga dating mahistrado na nagsilbing amici curiae kung saan sina Panganiban, Puno at Davide ay nagsabing maaaring magbago ang voting threshold depende sa kung sinu-sino ang legal na dapat isama sa bilang, habang iba ang naging posisyon ni dating Associate Justice Adolfo Azcuna.

Sa gitna ng usaping ito, binigyang-diin ni Cayosa ang kahalagahan ng due process, pantay na pagpapatupad ng batas at pananagutan ng mga lingkod-bayan, lalo na sa mga prosesong naglalayong tiyakin ang integridad ng pampublikong serbisyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 51,144 total reads

 51,144 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 147,857 total reads

 147,857 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 192,126 total reads

 192,126 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 215,235 total reads

 215,235 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 288,106 total reads

 288,106 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top