Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,496 total reads

Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang 10 ang overweight o obese. Samantala, 43% ng mga Pilipinong edad 20 hanggang 59 ang overweight o obese. 

Ang naiisip na solusyon ng pamahalaan, taasan ang buwis na ipinapataw sa matatamis na pagkain at inumin. 

Mula anim na piso kada litro, maaaring maging hanggang bente pesos ang buwis sa mga inuming may caloric o non-caloric sweeteners. Para naman sa mga may high-fructose corn syrup, maaaring tumaas ang buwis mula dose hanggang kuwarenta pesos kada litro. Iminumungkahi rin ang pagpapalawak ng saklaw ng buwis sa mga produktong gaya ng 3-in-1 na kape at ice cream

Maging epektibo kaya ito?

Responsabilidad natin ang ating kalusugan, kaya dapat nating bantayan ang mga kinakain natin. Pero ang pagpapataw ng buwis sa pagkain ay parang paglalagay ng sisi sa mamimili. 

Mas pinipili ng mga consumers ang mga pagkaing matamis at kulang sa sustansya dahil mura at madaling bilhin ang mga ito. Samantala, patuloy namang tumataas ang presyo ng mas masustansyang pagkain gaya ng prutas at gulay. Kung tunay na mas malusog na Pilipino ang layunin, hindi ba dapat sabayan ang pagbubuwis sa matatamis na pagkain at inumin ng pagpapababa ng presyo ng masusustansyang pagkain?

Malaki rin ang ambag ng kapaligiran sa kalusugan ng tao. Dito sa mga siyudad, mas naeengganyong gumamit ng sasakyan ang mga tao kaysa maglakad at magbisikleta. Kakaunti rin ang ligtas at madaling puntahang pampublikong lugar para makapag-ehersisyo. Ilan lamang ang mga ito sa mga bagay na dapat ding pagtuunan ng pansin kung gusto nating maging mas malusog ang mga Pilipino, lalo na ang mga bata. 

Hindi maihihiwalay ang planong dagdag-buwis sa matatamis na pagkain sa paghahanap ng gobyerno ng mga paraan para bawiin ang mawawalang kita nito kung matutuloy ang pagtataas ng tinatawag na tax exemption threshold mula ₱250,000 hanggang ₱350,000. Pero may tax relief nga sa mga pamilyang pasók ang taunang kita sa threshold na ito, mabibigatan naman sila sa dagdag na gastos kapag tumaas ang buwis sa mga pagkaing madalas nilang tangkilikin. Kung ang layunin ay pagaanin ang buhay ng mga pamilyang Pilipino, mukhang may problema kung mababawasan nga ang isang uri ng buwis pero may panibagong pasanin namang nasa anyo ng mas mataas na presyo ng mga produktong pagkain.

Kahit pa tinatayang makalilikom ang gobyerno ng 75 bilyong piso mula sa dagdag-buwis sa matatamis na pagkain at inumin mula 2027 hanggang 2030, walang kasiguraduhang mapanghahawakan ang mga mamamayan na mapupunta sa tama ang kanilang ibabayad. Sinasabing kalahati ng malilikom na pera o 34 bilyong piso ay mapupunta sa DOH. Sa dami ng mga kaso ng katiwalian sa pamahalaan, hindi maiiwasang bumaba ang tiwala ng marami na serbisyo ang magiging katumbas ng ibabayad nilang buwis. Kaya mahalagang malinaw kung saan napupunta at kung paano ginagamit ang binabayad na buwis. Dapat ding matiyak na ang makokolektang dagdag-buwis ay tunay na naibabalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng serbisyong pangkalusugan gaya ng ipinapangako ng mga gustong patawan ng mas malaking buwis ang mga pagkaing hindi nakabubuti sa kalusugan.

Mga Kapanalig, sinasabi sa Filipos 2:4 na dapat nating isipin hindi lamang ang sariling kapakanan kundi pati ang kapakanan ng iba. Ipinapaalala rin ng Laudato Si’ ang pananagutan ng pamahalaan na lumikha ng mga kalagayang nagbibigay sa tao ng pagkakataong mamuhay nang maayos. Kaya kung tunay na mas malusog na Pilipino ang layunin, hindi lamang indibidwal na disiplina sa matatamis na pagkain ang kailangan. Kailangan din ng sistema at kapaligirang hindi nagpapahirap sa tao na maging malusog.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 1,497 total reads

 1,497 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 33,916 total reads

 33,916 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 99,974 total reads

 99,974 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 119,278 total reads

 119,278 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 197,578 total reads

 197,578 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 33,917 total reads

 33,917 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 99,975 total reads

 99,975 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 119,279 total reads

 119,279 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 197,579 total reads

 197,579 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »
Scroll to Top