Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 281,304 total reads

Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob ng simbahang katolika. Ito ang nagiging balakid sa pag-unlad ng bayan., pagkakaisa ng mamamayan.

Kapag naluklok na sa kapangyarihan, akala mo siya na ang hari., siya na ang masusunod., wala silang pakialam sa kapwa at mahalaga sa kanya ang sariling interes at interes ng pamilya at kaibigan.

Kapag entitled ang isang tao tulad ni Vice President Sara Duterte, huwag kang umasang igagalang at uunahin niya ang karapatan at interes ng iba. Kahit ikalawa pa lamang sa pinakamataas na poder ang okupado nito, umaasta na itong Reyna. Kahit lantaran na ang mga katibayan ng pagiging bayolente.., pandarambong sa pera ng taumbayan, taas-noo pa rin, umaasta pa ring walang kasalanan.

Para siyang lead actress sa isang pelikula, tele-novela at soap-opera., pinaglalaruan niya sa kanyang palad tayong mga Pilipino. Ang masakit, ginagawa niya tayong mangmang.

Dahil entitled, tumugon siya sa warrant of arrest na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court at personal na pumunta sa korte upang magpiyansa sa kasong 3-counts of grave threats laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,asawang si Liza at dating House Speaker Martin Romualdez.

Pero ipinakita ni VP Sara sa madla ang kanyang totoong kulay, hindi sumusunod sa alituntunin at protocol. Ipinipilit niyang bigyan siya ng special treatment.. OO nga naman, bise-presidente siya ng Pilipinas.
Ethical duty….. ayaw niyang dumaan sa hagdanan papuntang korte, dahil natatakot., hindi siya ligtas, wala din siyang tiwala sa kanyang 302 security detail, puwede daw daw siyang itulak at patayin sa hagdanan. Ayaw din niyang dumaan sa elevator, takot siyang makasama ang kanyang police escorts.

Kapanalig, ito ba ang klase ng bise-presidente na ating iniluklok sa puwesto, sa sarili lang may tiwala?Wala siyang tiwala sa mga pulis, wala siyang tiwala sa korte.

Ang solusyon ni VP Sara sa sariling problema ay inanyayahan niya ang mga mamamahayag na samahan siyang umakyat ng hagdan para matiyak daw ang kanyang kaligtasan. Ang motibo lang pala niya ay magkaroon ng media mileage?

Sa kabila ng pagiging bise-presidente at pagiging abogado., ethical duty ni VP Sara na i-uphold ang integridad at dignidad ng legal system ng bansa sa halip na ipairal ang kanyang sense of entitlement! Ang drama ni Inday Sara sa QC-RTC ay pagpapakita na wala siyang paggalang sa posisyong kanyang kinaluklukan at sa taumbayan na dapat niyang pagsilbihan. Ang lugmok nang justice system at batas ng bansa ay nilalapastangan lamang ng bise-presidente na ang lahat ng rules at institutional restraints ay para lamang sa kanya. God save the Philippines, kapag na-acquit ito sa kinakaharap na impeachment trial for violation of public trust at paglabag sa graft and corrupt practices act. Lalu na kapag ibinoto pa itong president.

Harinawa Kapanalig, makarating sa kinauukulan ang payo ni Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect for the Dicastery for Evangelization sa mga nag-aastang hari o reyna “Drop ‘holier than thou’ attitude”.

Sinasabi naman ng Philippians 2:3–4 “tells believers not to act from selfish ambition or empty pride. Instead, we are called to value others and care about their interests as well as our own.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 122,849 total reads

 122,849 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 166,668 total reads

 166,668 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 216,422 total reads

 216,422 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 375,618 total reads

 375,618 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 397,136 total reads

 397,136 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kasaysayang ayaw nating maulit

 122,850 total reads

 122,850 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 166,669 total reads

 166,669 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 216,423 total reads

 216,423 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 375,619 total reads

 375,619 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »
Scroll to Top