Buhay ng mga kabataan, patuloy na binabago ng Pondo ng Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,929 total reads

Patuloy na binabago ng Pondo ng Pinoy Educational Assistance Program ang buhay ng mga kabataang nangangailangan ng suporta sa kanilang pag-aaral.

Ito ay dahil sa tulong ng mga nagbabahagi ng kanilang munting ambag ay nagiging daan ang Pondo ng Pinoy upang matulungan ang mga kabataang may kakulangan sa pinansyal na pangangailangan sa paaralan.

“Pondo ng Pinoy: Munting Ambag, Malaking Pag-asa 💛 Malaking pasasalamat po sa mga kagaya ko rin po at sa mga bagong darating na scholars na mabibigyan din ng pagkakataong matulungan. 𝙈𝙖𝙜𝙥𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙥𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙡𝙞𝙞𝙩 𝙣𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙖𝙮, 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙠𝙤 𝙥𝙤 𝙣𝙖 𝙠𝙖𝙝𝙞𝙩 𝙨𝙖 𝙜𝙖𝙣𝙤𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙤 𝙞𝙩𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙥𝙤𝙧𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙧𝙖𝙡.” — 𝙔𝙤𝙡𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙅𝙤𝙮 𝘾𝙖𝙗𝙖𝙧𝙞𝙤, 𝙋𝙤𝙣𝙙𝙤 𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙣𝙤𝙮 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙡𝙖𝙧 – Sa bawat maliit na ambag, may malaking pag-asang naibabahagi,” ayon sa mensahe ng Pondo ng Pinoy.

Sa patotoo ni Yolanda Joy Cabario, isang Pondo ng Pinoy scholar mula sa Mandaluyong City, malaking tulong sa kanyang pag-aaral ang natatanggap niyang allowance para sa pagbili ng mga school supplies at iba pang pangangailangan sa mga proyekto.

Ayon kay Cabario, limitado ang kakayahang pinansyal ng kanilang pamilya kaya may mga pagkakataong nahihirapan siyang makagawa ng mga school project dahil sa kakulangan sa pambili ng kinakailangang materyales.

Binigyang-diin ni Cabario na malaking pasasalamat niya sa mga tumutulong sa Pondo ng Pinoy, lalo na dahil nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga kabataang nangangailangan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, kaya kahit maliit ang ambag ay malaking tulong ito sa mga kabataang nangangailangan ng suporta, at maaari ring maging daan upang mabigyan ng pag-asa ang mga susunod pang iskolar.

“Magandang hapon po sa inyong lahat. Ako po pala si Yolanda Joy L. Cabario, nakatira po sa Calbayog Street, Barangay Highway Hills, Mandaluyong City. Malaki po ang naitulong po sa akin nu’n ng Pondo ng Pinoy. Kasi po ang pamilya po namin ay limitado lang po ang pera na para po sa pag-aaral namin. Minsan po ay hindi po ako nakakagawa ng project dahil po sa kakulangan din po ng pinansyal. Dahil po sa Pondo ng Pinoy, binibigyan po ako ng allowance cash para po sa pambili po ng aking mga supplies, katulad na lang po ng mga project po sa school. And maganda po ang proseso ng Pondo ng Pinoy dahil saktong-sakto po ito sa pangangailangan ng aming school.” ayon sa patotoo ni Cabario sa Pondo ng Pinoy.

Batay sa Philippine Statistics Authority o PSA, 18.6 porsyento ng mga Pilipinong edad 5 hanggang 24 noong 2022 ay hindi nag-aaral, at sa mga ito, 9.9 porsyento ang nagsabing mataas na gastos sa edukasyon o problemang pinansyal ang dahilan ng kanilang hindi pagpasok sa paaralan.

Kahanay naman ito sa panawagan ni Pope Leo XIV sa kanyang 2026 encyclical na Magnifica Humanitas, na binibigyang-diin ang patuloy na hindi pagkakapantay-pantay sa access sa edukasyon at ang panganib na maging nakadepende sa kakayahang pinansyal ng pamilya ang pag-aaral ng mga bata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 36,679 total reads

 36,679 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,505 total reads

 72,505 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 298,775 total reads

 298,775 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,243 total reads

 192,243 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,308 total reads

 284,308 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top