Prosekusyon, naniniwalang napatunayan na sa impeachment case ang alegasyon kay VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,640 total reads

Naniniwala ang House Prosecution panel na mapatutunayan ang mga alegasyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, anuman ang maging desisyon ng Senado sa bilang ng mga boto na kailangan para sa conviction.

Ito ang iginiit ni House Prosecutor at Akbayan Partylist Rep. Manuel Diokno sa oral arguments sa impeachment court kaugnay ng usapin sa voting threshold.

Ayon kay Diokno, hindi nakadepende sa bilang ng boto ang lakas ng ebidensyang ilalatag ng prosekusyon, anuman ang maging pasya ng impeachment court, mananatili ang kanilang tungkuling ilahad ang ebidensya at patunayan ang mga nakasaad sa Articles of Impeachment.

“The Prosecution is confident in its case. The Prosecution has been ready to prove its case. And the Prosecution trusts the independent judgment of this honorable Court,” ayon kay Diokno.

Dagdag pa ng mambabatas, “And whatever the threshold is, however this Court decides the issue before it today, the Prosecution will do its job.”

Kabilang sa tinalakay ang interpretasyon sa probisyon ng Konstitusyon na nangangailangan ng two-thirds vote para sa conviction, partikular kung ilan ang dapat isama sa kabuuang bilang ng mga senador na pagbabatayan ng two-thirds.

Sinabi ni Diokno na magkakaiba man ang naging paliwanag ng apat na amici curiae, hindi ito nangangahulugan na awtomatikong 16 na boto ang kinakailangan sa lahat ng pagkakataon.

Iginiit din ng mambabatas na ang pagtukoy sa tamang bilang ng mga senador na kabilang sa denominator ay hindi nangangahulugang binabago ang requirement na two-thirds.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,765 total reads

 37,765 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,542 total reads

 73,542 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,812 total reads

 299,812 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,280 total reads

 193,280 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,285 total reads

 285,285 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,444 total reads

 6,444 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top