Pagkakaiba ng corporate records at deklarasyon sa SALN ni VP Sara, nalantad sa Impeachment Trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,030 total reads

Binibigyang-diin ng House Prosecution Panel ang mga dokumentong may kaugnayan sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN at corporate records sa nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon, miyembro ng prosecution panel, na kabilang sa sinuri ng prosecution ang mga dokumento ng Securities and Exchange Commission (SEC) tungkol sa mga kumpanyang iniuugnay sa Pangalawang Pangulo at sa kanyang asawa.

Ayon kay Ridon, may pagkakaiba sa ilang corporate records at sa deklarasyon sa SALN ni Duterte, partikular kaugnay ng Gencorp Industries Inc.

“Nakita rin ho natin ‘yung isa pa hong kumpanya, ‘yung Metro Chow City Foods, ano, na ito po ay talagang pinaninindigan pa rin po ng Pangalawang Pangulo sa kanyang SALN at nakalista rin ho siya doon sa SEC documents nitong kumpanyang ito.” Bahagi ng pahayag ni Ridon sa Radyo Veritas.

Batay naman sa testimonya ng SEC witness nitong mga nakaraang araw, nakalista si Duterte bilang board member at stockholder ng Metro City Chow Foods sa corporate filings hanggang 2025.

Samantala, sinabi ng witness na hindi lumitaw ang pangalan niya bilang director o stockholder sa incorporation records at General Information Sheets ng Gencorp.

Para kay Ridon, mahalagang usapin ang pagkakaibang ito dahil kailangang matukoy kung alin ang tunay na kalagayan ng pagmamay-ari o interes sa negosyo.

“Kung wala siya sa SEC, bakit nga riyan inilalagay ‘yung bagay na ‘yan sa kanyang SALN? Hindi lang naman isang beses ho ‘yan na nakalagay doon, eh. Maraming beses pong ipinalag sa kanya pong SALN. So, ibig sabihin, alam niyo, hindi naman magsisinulat ‘yung tao ng isang impormasyon sa SALN kung hindi ho niya ‘yun pinaninindigan.” Dagdag pa ni Ridon.

Gayunman, nilinaw ni Ridon na hindi pa nagbibigay ng pinal na konklusyon ang prosecution tungkol sa sinasabing trust arrangement o posibleng dummy relationship, dahil nakabinbin pa ang usapin sa impeachment court.

“Hindi namin sinasabi pa ‘yun na whether it’s a dummy relationship dahil conclusion of law po ‘yun at under sub judice ho tayo ngayon. Pero ‘yan ho, ‘yung ilan sa mga nababanggit po na pwedeng tumayong paliwanag bakit ho ‘yan ang naging sitwasyon: mayroong pangalan sa SALN, pero walang pangalan sa SEC.” Ayon pa kay Ridon.

Kabilang naman sa mga inaasahan pang haharap sa Senate Impeachment Court si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, gayundin ang mga kinatawan ng PNP Firearms Division, Anti-Money Laundering Council o AMLC, at Bureau of Internal Revenue o BIR.

Ayon kay Ridon, layunin ng testimonya ng mga ito na maipakita ang mga kaugnay na dokumento at transaksyon, kabilang ang bank accounts, tax payments at iba pang rekord na bahagi ng Article II ng impeachment complaint.

Ibinahagi rin ni Ridon na maaaring matapos ng prosecution ang kanilang presentasyon ng ebidensya sa unang linggo ng Oktubre, kasunod ng mga marathon hearings, upang magkaroon naman ng panahon ang defense na ilahad ang kanilang mga ebidensya.

“Baka matapos ho kami sa first week ng October, lalo’t higit may marathon hearings naman po pagpasok ng October. So, para magkaroon na ho ng pagkakataon po ang depensa na maglahad ng ebidensya nila doon sa kabuuan po ng Oktubre. At magpapasya na ho ang korte sa dulo ng—well, I guess, hopefully by end of October.” Ani Ridon.

Samantala binigyang-diin din ni Ridon na ang mga isyung inihaharap ng prosecution ay bahagi pa ng paglilitis at ang pinal na pagpapasya sa mga alegasyon laban sa Pangalawang Pangulo ay nasa desisyon ng mga senator-judges ng impeachment court.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 38,866 total reads

 38,866 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 74,596 total reads

 74,596 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 300,866 total reads

 300,866 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 194,334 total reads

 194,334 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 286,277 total reads

 286,277 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top