Pope Leo XIV, balik Vatican na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,372 total reads

Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga Santo Papa na nasa labas ng Roma.

Sa kanyang ulat sa programang Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma at Vatican Correspondent ng Radio Veritas, na naging mahalaga ang maikling bakasyon ng Santo Papa upang makapagpahinga, makapagdasal, at makapagtuon sa mga nakabinbing gawain.

Ayon kay Fr. Gaston, mahalaga rin ang pangangalaga sa kalusugan bilang bahagi ng paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Ibinahagi rin ng Pari na tulad ni Pope Leo XIV na regular na naglalaro ng tennis, maging si St. John Paul II ay kilala sa paglangoy at pag-ski upang mapanatili ang mabuting kalusugan habang ginagampanan ang kanyang ministeryo.

“Kailangan din ng Santo Papa ng exercise kaya tayo rin sana ay nag-e-exercise tayo… Dapat malakas din tayo upang makapag-serve sa ating kapwa, makapag-serve sa ating Panginoon.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Gaston, pagbalik sa Vatican ay agad na ipinagpatuloy ng Santo Papa ang kanyang mga pastoral na gawain, kabilang ang pagdalo sa pagtitipon ng mga kabataang Franciscans sa Assisi, kung saan sa kanyang pakikipag-usap sa mga kabataan ay binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng katahimikan at panalangin bilang daan sa tunay na kapayapaan.

“Sabi niya, si St. Francis of Assisi, ay ‘yung prayer life niya, talagang ‘yung silence during the day. May time siya, na para sa silence, sa dasal. Sana tayo din… Yan ‘yung kanyang prayer for peace.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Ayon pa kay Fr. Gaston, ipinaalala rin ng Santo Papa na bagama’t dumaraan sa iba’t ibang pagsubok ang Simbahan, ang pananampalataya ng bawat Kristiyano ay dapat manatiling nakasentro kay Hesukristo.

“Ang ating pananampalataya ay kay Kristo. Kahit may makita tayong hindi maganda sa ilang tao sa Simbahan, balik tayo kay Kristo.” Ani Fr. Gaston.
Pagbabahagi ng Pari, hinikayat din ni Pope Leo XIV ang mga kabataan, mag-asawa, pari, at mga nakatalaga sa buhay paglilingkod na manatiling tapat sa kanilang bokasyon upang ganap na maramdaman ang kaligayahang hatid ng Panginoon.

“‘Pag ibinigay natin ‘yung buhay natin sa Panginoon—kahit hindi sa pagpapari o sa pagmamadre, kahit sa pag-aasawa, sa pamilya, o kahit walang asawa, Kung saan tayo, doon tayo nilagay ng Panginoon, at ‘pag faithful tayo ay magiging masaya tayo.” Ayon kay Fr. Gaston.

Samantala, sinabi rin ni Fr. Gaston na nagpapatuloy ang mga gawain ng Santo Papa sa Vatican, kabilang ang pakikipagpulong sa iba’t ibang grupo bilang pagpapatuloy ng kanyang misyon ng pagpapalakas sa pananampalataya at pagkakaisa ng Simbahan sa buong mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,211 total reads

 54,211 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,707 total reads

 140,707 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,744 total reads

 183,744 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,503 total reads

 233,503 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,158 total reads

 392,158 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top