CBCP Katipunan Formation, ilulunsad ng AVPP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,787 total reads

Nakatakdang ilunsad ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) ang CBCP Katipunan Formation Program for Good Citizenship sa Agosto 11, 2026 sa Seminario de San Jose bilang bahagi ng pagpapalalim ng pananampalataya at paghubog ng responsableng pagkamamamayan ng mga mananampalataya.

Ayon sa Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, layunin ng programa na makabuo ng mga Pilipinong mamamayang nakaugat sa pananampalataya, may matatag na moralidad, at handang maglingkod para sa kabutihang panlahat.

Inanyayahan ng bikaryato ang mga kinatawan ng bawat parokya sa buong Puerto Princesa Vicariate na makibahagi sa formation program na nakatuon sa pagpapalakas ng Kristiyanong at sibikong kamalayan ng mga layko.

“The Apostolic Vicariate of Puerto Princesa (AVPP) is set to launch the CBCP Katipunan Formation Program for Good Citizenship on August 11, 2025 at the Seminario de San Jose. This formation program aims to help shape Filipinos into good citizens grounded in faith, moral integrity, and service to the common good. Parish representatives from across the vicariate are invited to participate in this important initiative for Christian and civic formation.” Bahagi ng anunsyo ng bikaryato.

Ayon sa Apostolic Vicariate of Puerto Princesa, mahalagang sama-samang isulong ang paghubog ng mga mamamayang may aktibong pakikilahok sa lipunan at ginagabayan ng mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo upang magkaroon ng tunay na malasakit sa kapakanan ng lahat.

“Let us work together in forming citizens whose engagement in society is inspired by Gospel values and a commitment to the common good,” Panawagan ng Bikaryato.

Ang CBCP Katipunan Formation Program ay isa sa mga inisyatibo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang higit na mapalalim ang kamalayang panlipunan ng mga mananampalataya at mahubog ang mga Kristiyanong aktibong nakikibahagi sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan, mabuting pamamahala, at pananagutan sa lipunan.

Patuloy namang hinihikayat ng Simbahan ang mga layko na maging tapat na saksi ni Kristo hindi lamang sa loob ng simbahan kundi maging sa kanilang pakikilahok sa buhay pampubliko, bilang pagtugon sa misyong isabuhay ang Ebanghelyo sa lahat ng larangan ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,208 total reads

 54,208 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,704 total reads

 140,704 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,741 total reads

 183,741 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,500 total reads

 233,500 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,155 total reads

 392,155 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top