National Laity Week 2026, gugunitain ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,727 total reads

Nakatakdang magsimula ang National Laity Week 2026 sa Diocese of Antipolo sa pamamagitan ng isang pilgrimage na naglalayong pag-isahin ang mga layko sa pananalangin, pagninilay at panibagong pagtatalaga sa kanilang misyon bilang mga mananampalataya.

Sa temang “Road of Hope,” inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mga laykong Pilipino na maglakbay sa iba’t ibang pilgrim churches ng Diocese of Antipolo bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang bokasyon at misyon sa Simbahan at lipunan.

Higit pa sa isang opening celebration, inilalarawan ng mga organizers ang pagtitipon bilang isang paglalakbay ng pananampalataya, pag-asa at misyon, kung saan magkakasamang mananalangin at magninilay ang mga layko habang tinutuklas muli ang kagandahan ng kanilang bokasyon.

“More than just an opening celebration. It is a journey—a pilgrimage of faith, hope, and mission. Come and walk with us on the Road of Hope as we visit and pray at the different Pilgrim Churches of the Diocese of Antipolo. Let us journey together, encounter the Lord, and rediscover the beauty of our vocation as lay faithful. Your presence matters. Your faith matters. Your mission matters.” Bahagi ng paanyaya ng SLP.

Layunin din ng pilgrimage na makatulong sa espirituwal na pagpapanibago ng mga layko upang mas maging matapang silang isabuhay at dalhin ang presensya ni Kristo sa kanilang mga pamilya, komunidad, lugar ng trabaho at sa mas malawak na lipunan.

“Let us gather as one Filipino Laity—praying together, journeying together, and being renewed together—so that we may go forth with greater courage to bring Christ into our families, communities, workplaces, and society.” Dagdag pa ng SLP.

Hinihikayat din ang mga layko na huwag lamang ipagdiwang ang kanilang bokasyon kundi aktuwal na isabuhay sa kanilang pang-araw-araw na buhay at pakikibahagi ang misyon ng Simbahan.

“This National Laity Week, let us not simply celebrate our vocation. Let us live it!” Ayon pa sa SLP.

Sa pamamagitan ng Road of Hope, inaanyayahan ang mga kalahok na sama-samang lumakad, manalangin at magpanibago bilang isang sambayanang layko, bago muling isugo upang maging saksi ng Ebanghelyo sa kani-kanilang pamilya at pamayanan.

Ang National Laity Week ay bahagi ng patuloy na pagkilala ng Simbahan sa mahalagang papel ng mga layko sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo at sa pagpapanibago ng mundo ayon sa mga pagpapahalaga ng Kristiyanismo.

Magsisimula ang National Laity Week 2026 sa September 26, 2026 at magtatagal hanggang sa October 3, 2026.

Sa paglalakbay sa Road of Hope, inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang bawat layko na hindi lamang maging tagapagmasid ng misyon ng Simbahan kundi maging aktibong katuwang nito, dala ang pananampalataya, pag-asa at Ebanghelyo sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,129 total reads

 37,129 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 72,929 total reads

 72,929 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,199 total reads

 299,199 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 192,667 total reads

 192,667 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 284,709 total reads

 284,709 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top