Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 241,279 total reads

Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para maningil ng mga bayarin. Mas kilala siya bilang “due date.” 

Noong mga nakaraang buwan, naging mainit na usapan ang napakataas na singil sa kuryente. Kaya naman, nanawagan si Pangulong BBM sa kanyang SONA na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (o EPIRA) at tanggalin ang system loss charges sa bill ng kuryente. Ang system loss ay tumutukoy sa kuryenteng pinababayaran sa mga consumers pero hindi naman nakararating sa atin. Kasama rito ang tinatawag na technical losses o kuryenteng likas na nawawala sa pagdaloy nito sa mga kable, at non-technical losses na dulot ng pagnanakaw o mga illegal na koneksyon. Ang system loss charges ay halos 6% ng electricity bill ng Meralco at umaabot ng 16% sa ilang electric cooperatives sa mga probinsya. Wika ng pangulo, kailangang itigil na raw ang pagpasan ng mga consumers sa system loss na hindi naman nila kasalanan.

Anong latest sa panawagang ito ni PBBM?

May system loss charges pa rin. Pero noong nakaraang linggo, idineklara ng Bureau of Internal Revenue (o BIR) ang pagtanggal ng 12% value-added tax (o VAT) sa system loss charges sa electric bill natin. Ayon sa Department of Finance, tinatayang katumbas ito ng anim na bilyong pisong savings para sa mga consumers kada taon, pero mawawalan naman ng sampung bilyong pisong kíta kada taon ang gobyerno. Samantala, ang ganap na pagtanggal sa system loss charges mismo ay posibleng maipatupad bago ang huling SONA ng pangulo sa susunod na taon dahil, ayon sa Department of Energy, kinakailangang amyendahan ang EPIRA.

Para sa IBON Foundation, ang pagtanggal ng VAT sa system loss charges ay nagbibigay ng maliit na ginhawa sa mga consumers. Hindi rin daw dapat mawala ang atensyon sa mas malalim na problema sa power generation, transmission, at distribution na dahilan ng napakamahal na kuryente sa Pilipinas. Ayon sa IBON Foundation, ang tunay na problema ay nakaugat sa pagsasapribado at pagbibigay-prayoridad sa kíta ng power sector sa ilalim ng EPIRA.

Para naman sa grupong People for Power Coalition, ang mahal na kuryente sa bansa ay nakaugat sa pagdepende natin sa fossil fuels gaya ng coal at petrolyo, korapsyon sa power sector, at sa bigong pangako ng EPIRA na mapababa ang presyo ng kuryente. Binigyang-daan ng EPIRA ang pagsasapribado ng power sector para magkaroon ng kompetisyon sa merkado na magpapababa sa presyo ng kuryente, pero kabaligtaran ang nangyari. Nagkaroon ng tinatawag na oligopoly, kung saan iilang dambuhalang korporasyon lang ang may kontrol sa merkado sa sektor ng power generation, transmission, at distribution. Dahil dito, posible ring nagkakaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga kompanyang may hawak sa presyuhan para mapalaki pa ang kanilang kíta.

Ang enerhiya ay isang batayang pangangailangan upang tayo ay umunlad at mabuhay nang may dignidad. Ito ay isang common good o kabutihang panlahat. Nakasaad sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers na lahat ng consumers ay may karapatan sa de-kalidad, maaasahan, abot-kaya, ligtas, at tuluy-tuloy na suplay ng kuryente. Kaya naman, huwag natin hayaang mapako lang ang mga pangako ng gobyerno sa taumbayan. Huwag natin hayaang magpatuloy ang paniningil sa atin ng napakamahal na kuryente.

Mga Kapanalig, sinabi sa Roma 13:7 na “Ibigay ninyo sa bawat isa ang nararapat sa kanya. Magbayad kayo sa mga dapat bayaran at magbigay kayo ng buwis sa dapat buwisan.” Paalala rin ito sa mga pulitiko, negosyante, at opisiyal ng gobyerno na dapat makatarungan ang sistema ng paniningil sa isang batayang pangangailangan gaya ng kuryente.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,153 total reads

 50,153 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,929 total reads

 146,929 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,198 total reads

 191,198 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,307 total reads

 214,307 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,240 total reads

 287,240 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 50,154 total reads

 50,154 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,930 total reads

 146,930 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,199 total reads

 191,199 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,308 total reads

 214,308 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top