Mananampalataya, inaanyayahang makiisa sa Alay Bahay charity program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,274 total reads

Inaanyayahan ng Obispo ng Diyosesis ng Kidapawan ang mga mananampalataya na makiisa sa pagbabahagi ng biyaya sa mga higit na nangangailangan.

Bilang paghahanda sa ika-72 kaarawan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa ika-30 ng Enero ay inaanyayahan ang lahat ng makibahagi sa inisyatibong Bishop Alay Bahay Program na naglalayong makapagpatayo at makapagbigay ng bahay para sa mga walang tahanan at mahihirap na pamilya sa diyosesis.

Sa mensahe ni Bishop Bagaforo, hiniling ng Obispo ang panalangin at pakikiisa ng lahat para sa patuloy na tagumpay ng programa na sinimulan sa kanyang ika-45 anibersaryo ng pagkapari.

“The Bishop Alay Bahay Program is a charity program that I initiated for the homeless and poor families from our Gagmay’ng Kristohanong Katilingban (GKKs) with the support of the parish priests. I started this program when I celebrated my 45th year anniversary in the priesthood.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Partikular na nanawagan si Bishop Bagaforo ng pakikibahagi sa pagsasagawa ng second collection o ikalawang koleksyon sa buong diyosesis ngayong ika-25 ng Enero, 2026 para sa nasabing Bishop’s Alay Bahay Program na layong magbigay ng disenteng tirahan sa mga pinakamahihirap na pamilya sa diyosesis.

Layunin ng ikalawang koleksyon na makapagpatayo pa ng mas maraming tahanan para sa mga pamilyang matagal nang nangangarap ng isang ligtas at marangal na tirahan.

“On January 30, I shall celebrate my 72nd birthday, and to have an additional funding for this BISHOP’S AlAY BAHAY program, there will be a SECOND COLLECTION on January 25, 2026 in all Masses which shall be somehow a birthday guft to me. Please encourage our faithful to donate a little amount as their participation in my wish to provide decent houses to many of the poorest of the poor among us.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Sa kasalukuyan, sampung (10) bahay na ang naipatayo ng programa para sa mga maralitang pamilya sa limang parokya sa diyosesis na isang konkretong tanda ng pananampalatayang isinasabuhay sa pamamagitan ng pagkilos at pagtulong sa kapwa.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo, “The Cash gifts and stipends that I have received are the sources of funds for this noble initiative. At present, there are already Ten (10) houses built in five (5) parishes.”

Ibininahagi pa ng Obispo na sa kanyang pagdiriwang ng kaarawan, ang pinakamainam na regalo ay hindi lamang handog para sa kanya, kundi pag-asa at bagong simula para sa mga pamilyang nangangailangan ng tahanan na isang patunay na ang Simbahan ay patuloy na naglilingkod sa mga dukha, gaya ng itinuturo ng Ebanghelyo.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 7,423 total reads

 7,423 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 19,786 total reads

 19,786 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 91,724 total reads

 91,724 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 178,225 total reads

 178,225 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 221,259 total reads

 221,259 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 270,063 total reads

 270,063 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 7,426 total reads

 7,426 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »
Scroll to Top