Karapatan sa disenteng tahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 121,742 total views

Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa pag-unlad. Pero madalas, itinuturing ang bahay bilang produkto o instrumento ng pagpapayaman, kaya para sa libu-libong pamilya, ito ay nananatiling pangarap na mahirap abutin.

Noong ilunsad ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang 4PH o ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program noong 2022, nilayon nitong solusyunan ang 6.5 milyong housing backlog ng bansa at magkaroon ng “zero informal settler families” sa pamamagitan ng pagtatayô ng anim na milyong housing units. Noong 2024, ibinabâ sa 1.3 milyong units ang target ng 4PH. Sa ngayon, nasa 580,000 na units pa lang ang naitayo o napondohan ng gobyerno. Dalawang taon na lang ang natitira sa termino ng administrasyon ni PBBM, pero hindi pa ito nangangalahati sa panibagong housing target nito. Alang-alang sa ating mga kababayan, sana nga ay matupad ng administrasyon ang pangako nito.

Sa usapin naman ng homelessness o kawalan ng tirahan, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (o DSWD) ang Pag-Abot Program para tulungan ang mga pamilyang namumuhay sa mga lansangan. Layunin nitong tugunan ang mga batayang pangangailangan nila gaya ng pagkain, kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at pansamantalang matutuluyan. Ayon sa Office of the President, nasa 20,000 na indibidwal ang naabot ng programa.

Ang usapin ng homelessness o kawalan ng tirahan ay isa sa pinakalantad na problema sa ating mga siyudad. Nakikita natin ito sa mga nakatira sa lansangan o pampublikong espasyo. Nakikita natin sila na may mga kariton at nakalatag na karton, sa mga bangketa at sa ilalim ng tulay. Pero sa kakulangan ng mga pag-uulat, pag-aaral, at pambansang plano upang tugunan ang isyu, hindi ito binibigyan ng sapat na atensyon. Hindi nga ito nabanggit sa SONA.

Ayon sa ating Simbahan, ang pagpapatuloy ng homelessless ay dapat bumabagabag sa konsensya ng pandaigdigang komunidad. Kailangang tugunan ang kawalan ng tirahan para makapagtaguyod ng tinatawag na sustainable cities kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang bawat tao na umunlad at mag-ambag sa kabutihang panlahat o common good. Deserve ng bawat tao na magkaroon ng lugar na matatawag niyang tahanan kung saan maaari siyang magtaguyod ng pamilya, magkaroon ng mga kaibigan, at maging bahagi ng kanyang komunidad. Ang pabahay ay hindi lang dapat tinitingnan bilang commodity o financial asset na pwedeng pagkakitaan; pundasyon ito ng lipunang naglilingkod para sa common good.

Ang disenteng pabahay ay isang karapatang pantao, at tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang karapatang ito. Hindi sapat ang pagtatayo ng pisikal na istruktura at pagbibigay ng panandaliang tulong sa mga nangangailangan. Kailangang putulin ng pamahalaan ang ugat ng kawalan ng tirahan at ng kasiguruhan sa paninirahan. Dapat na ring matapos ang malalim at malawakang katiwalian sa pamahalaan kung saan bilyun-bilyong piso ang ninanakaw ng magkakasabwat na mga pulitiko, opisyal ng gobyerno, at negosyante. Ang kawalan ng disenteng pabahay ng libu-libong pamilya ay nakaugat din sa sistema ng ekonomiya at pag-unlad kung saan nasa kamay at bulsa ng iilan ang yamang dapat pinagsasaluhan ng lahat. Ito ang nangyayari kapag mga patakarang inuuna ang interes ng mga makapangyarihan at mayayaman ang umiiral.

Mga Kapanalig, ang pangangalaga sa karapatan sa disenteng tahanan ay responsabilidad ng pamahalaan. Pero bilang mga Katoliko, tungkulin din natin ang magbigay ng malasakit at pagkalinga sa ating kapwa, gaya ng paalala sa Isaias 58:7: “Ang mga nagugutom ay inyong pakainin, ang mga walang tirahan ay inyong patuluyin. Ang mga walang maisuot ay inyong bigyan ng mga damit.” Kaya naman, huwag tayong tumigil sa paniningil sa mga iniluklok natin sa pamahalaan para itaguyod ang napakahalagang karapatan sa disenteng tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 7,287 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 23,845 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 49,703 total views

 49,703 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 121,743 total views

 121,743 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 153,024 total views

 153,024 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 185,040 total views

 185,040 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 334,640 total views

 334,640 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 49,704 total views

 49,704 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 153,025 total views

 153,025 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 185,041 total views

 185,041 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 334,641 total views

 334,641 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »
Scroll to Top