Bishop Santos, nagbabala sa matinding panganib ng Pax Silica project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,027 total reads

Umapela ng masusing pag-aaral at malalim na pananaliksik si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos sa planong pagpapatupad o pagpapatayo ng Pax Silica sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang Diocesan Pastoral statement na “Discerning What Leads to True Peace.” Inihayag ng Obispo na mahalagang maunawaan ng bawat Pilipino ang posibleng epekto ng Pax Sillica sa bansa, partikular sa mamamayan, kalikasan, at pambansang kinabukasan.

Ipinaliwanag ni Bishop Santos na ang Pax Silica ay inisyatibang pinangungunahan ng Estados Unidos upang tiyakin ang pandaigdigang suplay ng semiconductors, artificial intelligence technologies, at iba pang kritikal na mineral.

“My dear faithful, not everything that promises progress brings peace. Not everything that offers development brings dignity. Not everything that shines is good for the soul of a nation. As the Diocese of Antipolo, we stand firm: Pax Silica is not beneficial, not the best, and not a blessing for us. Our mission is to safeguard our people, our land, and our future. Our responsibility is to uphold human dignity above economic gain. Our calling is to choose what leads to true peace—pax—not merely technological power. May the Lord grant us wisdom. May Our Lady of Peace and Good Voyage guide our national journey. May we always choose what is just, humane, and truly Filipino,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Ayon sa Obispo, bagama’t inaasahang magtatayo ng 4,000-acre industrial hub sa New Clark City bilang bahagi ng programa, ito ay pangunahing nakabatay sa pandaigdigang kompetisyon sa teknolohiya at seguridad, at hindi sa pangangailangan ng mga lokal na pamayanan.

Nagbabala rin ang Obispo sa mga posibleng idulot ng proyekto kabilang ang pagkasira ng kalikasan, paglilipat ng mga komunidad, pagtaas ng polusyon, at higit na pagkakasangkot ng Pilipinas sa hidwaan ng mga makapangyarihang bansa.

Iginiit ni Bishop Santos na kinakailangang pag-aralan mabuti ang mga pangmatagalang epekto ng Pax Sillica sa pambansang soberanya, kabuhayan ng mamamayan, at pangangalaga sa likas na yaman.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa paglago ng ekonomiya o pagpasok ng malalaking pamumuhunan, kundi sa paggalang sa dignidad ng tao, pangangalaga sa kalikasan, at pagsusulong ng tunay na kapayapaan.

“The best path for our nation is one that: protects our environment, strengthens local industries, empowers Filipino workers, and preserves our sovereignty. Pax Silica does not arise from Filipino priorities. It arises from global rivalry. What is “best” must be rooted in our values, our people, and our future—not in the agendas of powerful nations,” bahagi pa ng mensahe ni Bishop Santos.

Hinimok naman ng Obispo ang mga mananampalataya at mamamayan na maging mapanuri at piliin ang mga hakbang na nakaugat sa kabutihang panlahat at tunay na kapakanan ng sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,954 total reads

 46,954 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,457 total reads

 133,457 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,494 total reads

 176,494 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,252 total reads

 226,252 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,382 total reads

 385,382 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top