Nasa Senate impeachment court na ang hurisdiksyon sa impeachment ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,316 total reads

Iginiit ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court na dapat dinggin at pagpasyahan ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte matapos isantabi ng Korte Suprema ang mga petisyong kumukuwestiyon sa naging proseso ng Kamara.

Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, naging ‘moot’ o wala nang praktikal na saysay ang mga petisyon dahil naaprubahan na ng Kamara ang Articles of Impeachment at naipadala na ang mga ito sa Senado para sa paglilitis.

Sinabi ni Luistro na kabilang sa mga usaping inihain sa Korte Suprema ang sinasabing ‘mini-trial,” “fishing expedition,” at paglabag ng House Committee on Justice sa proseso ng pagtalakay sa impeachment complaints, gayundin ang one-year constitutional bar at referral ng mga reklamo sa komite.

“Kasama na po diyan itong mga allegations nila on mini-trial, allegations on fishing expedition, allegations on having prejudged the impeachment complaint even before the clarificatory hearing,” paliwanag ni Luistro.

Umaasa rin ang House prosecution na tuluyan nang matatapos ang mga usaping may kaugnayan sa naging proseso sa Kamara upang makapagpatuloy ang paglilitis sa Senado nang nakatuon na sa mga ebidensya at mga akusasyong nakasaad sa Articles of Impeachment.

“I hope that with this decision of the Supreme Court, sana natapos na ’yung mga issues na ibinabato kaugnay ng naging proceeding ng Justice Committee,” ayon kay Luistro.

Nilinaw naman ni private prosecutor at legal spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. na ang naging desisyon ng Korte Suprema ay hindi paghatol sa pananagutan o kawalang-sala ng Bise Presidente at hindi rin pagdedesisyon sa merito ng impeachment case.

Ayon kay Tolosa, ang naging pasya ng Korte Suprema ay naglinaw lamang na ang Senate Impeachment Court ang may wastong hurisdiksyon upang dinggin ang kaso at timbangin ang mga ebidensya ng magkabilang panig.

“So what the Supreme Court decision settled is the forum. So what’s clear now is that the proper forum is now the Impeachment Court,” ayon kay Tolosa.

Sa pagpapatuloy ng paglilitis, patuloy na inihaharap ng House prosecution ang mga ebidensya kaugnay ng Article I ng Articles of Impeachment na may kinalaman sa sinasabing maling paggamit, paglustay at iregular na liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education, habang nananatiling itinatanggi ng kampo ni Vice President Duterte ang mga paratang.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 16,014 total reads

 16,014 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 34,348 total reads

 34,348 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 105,245 total reads

 105,245 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 191,750 total reads

 191,750 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 234,782 total reads

 234,782 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 282,992 total reads

 282,992 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top