Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,973 total reads

6th Sunday in Ordinary Time Cycle A
Sir 15:15-20 1 Cor 2:6-10 Mt 5:17-37

Maraming mga tao ngayon ay allergic sa anumang batas o anumang utos. Para sa kanila ang anumang utos o batas ay pumipigil sa kanilang kalayaan. Mas pinapahalagahan ng mga tao ang kanilang kalayaan. Sila ay pro-choice. At ang tingin nila sa kalayaan ay ang kakayahang gawin ang gusto nila. Ayaw nilang mapigilan sila sa gusto nilang gawin. Ito ay maling pananaw ng kalayaan. Bilang mga tao, tayo ay mga nilalang. Nilalang tayo na may hangganan ang ating buhay. Kahit gusto nating mabuhay ng tatlong daang taon, hindi tayo mabubuhay ng tatlong daang taon. Gustuhin man nating lumipad, susunod tayo sa batas ng gravity; mahuhulog tayo. Hindi tayo makakatrabaho ng isang linggo na walang tulog. Aantukin tayo at pipilitin tayo ng ating katawan na matulog kung hindi mababaliw tayo.

Nagbigay ang Diyos ng mga batas para sa atin bilang mga tao upang malaman ang ikabubuti natin. Ang kalayaan ay hindi ang paggawa ng gusto natin, kundi ang kakahayahang gawin ang nararapat para sa atin. Sa paggawa ng nararapat para sa atin, naaabot natin ang mabuti para sa atin. Ang Diyos na may likha sa atin, alam niya ang mabuti para sa atin. Kung susundin natin ang mga batas na ibinigay niya, magiging maayos ang buhay natin. Ang mga batas ng Diyos ay hindi hadlang sa ating kaligayahan; iyon ay ibinigay ng Diyos para tulungan tayong maging masaya at maayos ang buhay natin.

Hindi lang siya nagbigay ng mga utos para sa atin. Binigyan din niya tayo ng kakayahan na magawa iyon. Angkop para sa atin ang kanyang mga batas at binuhos pa niya ang kanyang Espiritu Santo upang tulungan tayong malaman ang katotohanan at magawa ang katotohanang nakita natin. Kaya sinulat sa atin ni Sirak sa ating unang pagbasa: “Kung gusto mo, masusunod mo ang utos ng Panginoon. Ikaw ang magpapasya kung tapat ka sa kanya o hindi… makapipili ka alinman sa dalawa: buhay o kamatayan; ang iyong mapili ay siya mong tutunguhan.” Sana piliin natin ang mga tungo sa buhay kasi ayaw ng Diyos ang kamatayan at ang kasamaan para sa atin. “Kailanma’y wala siyang inutusang magpakasama, o pinahintulutang magkasala.”

Ang mga batas ng Diyos ay nasa Bibliya. Nakalagay na ito sa Lumang Tipan pa. Iyon ay ang Sampung Utos ng Diyos. Kahit na ito ay nasa Lumang Tipan pa, ito ay mabisa pa rin. Minsan may isang mangangaral ng Batas ni Moises na lumapit kay Jesus. Siya ay nagtanong: “Ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.” “Ano pa?” tugon ni Jesus. “Sundin mo ang mga utos ng Diyos.” “Aling mga utos?” Ang tanong ng guro. “Ano ba ang nakalagay sa kasulatan?” wika ni Jesus. “Igalang mo ang iyong mga magulang, huwag kang magsisinungaling, huwag kang papatay.” Ang sagot naman ng guro. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Alam mo naman pala! Gawin mo iyan at magkakaroon ka ng buhay na walang hanggang!” May bisa pa ngayon ang Sampung Utos. Iyan ay ang paraan sa maayos na buhay dito sa mundo at magdadala sa atin sa kabilang buhay. Kung nagkakagulo tayo ngayon sa ating lipunan, iyan ay dahil sa hindi nating pagsunod sa Sampung Utos – nandiyan na ang nakawan, ang pagsisinungaling o pagpapakalat ng kasinungalingan, nandiyan na ang pagpapatay, ang kahalayan at iba pa. Labag ang mga ito sa mga batas ng Diyos!

Si Jesus mismo ang nagsabi na hindi siya naparito upang ipawalang bisa ang Sampung Utos. Nandito siya upang patatagin at palalimin ang ating pagsunod sa mga batas na ito. Kaya hindi lang sapat na hindi tayo papatay. Tanggalin natin ang pagkapoot sa ating kapwa. Mananagot na tayo sa Diyos sa mga galit na nasa sa ating puso. Hindi sapat na dalhin natin sa kama ang hindi natin asawa. Ang pagtingin ng mahalay sa ating kapwa ay pakikiapid na. Hindi lang sapat na magsinungaling sa hindi pagtulad ng sinumpaang pangako. Huwag na nga talagang sumumpa. Maging palagi kang tapat sa iyong pananalita na hindi na kailangan pang samahan ito ng sumpa para ikaw ay paniwalaan. Samakatuwid, tinaasan ni Jesus ang standard ng pagsunod sa mga utos.

Parang ang hirap naman sundin ang sinabi ni Jesus. Oo, nga mahirap pero hindi imposible. Ibinigay niya sa atin ang Espiritu Santo upang gabayan at patatagin tayo. Gusto ni Jesus na sa simula pa huwag na nating hayaan na kumapit sa atin sa ang kasamaan. Huwag na nating hayaang kumapit ang galit sa ating puso. Nabubuo ang galit na iyan sa ating pagmumura, sa pag-aaway at nauuwi sa bugbugan at patayan. Ang kahalayan ay nagsisimula na sa ating mata, pumupunta sa paghipo at nauuwi sa tuluyang pakikiapid. Hindi kapani-paniwala ang ating pananalita kaya kailangan pang samahan ng sumpa para tayo paniwalaan. At kung hindi talaga tayong tapat, kahit na may sumpa na at nakalagay pa ang kamay sa Bibliya, hindi pa rin totoo ang sinasabi.

May mahalaga pang sinabi si Jesus. Alisin na natin sa atin ang anumang magiging dahilan ng ating pagkakasala. Inexaggerate lang ni Jesus na putulin ang kamay, o dukutin ang mata. Ang ibig niyang sabihin na kahit gaano kalapit o kahalaga iyan sa atin ngunit iyan ay nagdadala ng pagkakasala, dapat na natin layuan iyan. Kung ang matalik mong kaibigan ay nagdadala ng pagkakasala, hiwalayan mo na. Kung ang trabaho ay nag-uudyok sa pagkakasala, bitawan mo na. May mga nagsasabi na nagbebenta ng droga, na trabaho lang naman ito. May nababayaran na manira ng kapwa sa internet – hanap buhay lang ito. May pumapatay nga na trabaho lang naman daw iyon. Hindi natin mapaninindigan sa Diyos na trabaho lang ang mga masasama ginawa natin. Nagkakasala ka sa mga gawaing iyon.

Hindi lang natin susundin ang mga batas ng Diyos. Magpasalamat tayo sa kanya na ibinigay niya sa atin ang kanyang mga batas. Hindi na natin kailangang hulaan pa kung alin ang tama o ang mali. Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin ibinigay na niya ang mga wastong landas na daanan natin patungo sa buhay. Nilagay na niya sa harap natin ang buhay at kamatayan. Piliin natin ang buhay. Sumunod tayo sa kanyang mga utos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 12,888 total reads

 12,888 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 51,176 total reads

 51,176 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 69,386 total reads

 69,386 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 153,714 total reads

 153,714 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 190,453 total reads

 190,453 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 30, 2026

 2,542 total reads

 2,542 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »

Homily August 23, 2026

 8,497 total reads

 8,497 total reads 21st Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20 Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang

Read More »

Homily August 16, 2026

 14,775 total reads

 14,775 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »

Homily August 9, 2026

 23,104 total reads

 23,104 total reads 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »
Scroll to Top