Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 989 total reads

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes, ika-31 ng Marso. 

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 94, binuo ni Pangulong Bongbong Marcos ang ICI bilang isang fact-finding commission sa ilalim ng Office of the President. Trabaho nitong imbestigahan ang mga maanomalyang infrastructure projects. Ito ang naging tugon ng Palasyo sa mga panawagang alamin kung sinu-sino ang mga nasa likod ng mga palpak at pinagkakitaang proyekto ng gobyerno, partikular na ang mga flood control projects ng DPWH. Pagkatapos ng pangangalap ng ebidensya, inaasahan itong magrekomenda ng mga kasong maaaring isampa ng Office of the Ombudsman at ibang ahensya gaya ng Department of Justice (o DOJ). 

Matatapos ang buhay ng ICI kapag nagawa na nito ang mga dapat nitong gawin, bagay na tiniyak ng chair nito na si dating Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr. Matatandaang naging usap-usapan kung ano ang kahihinatnan ng ICI matapos magbitiw noong Disyembre 2025 ang dalawang commissioners na sina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at Rossana Fajardo na mula naman sa pribadong sektor. Sa kabila nito, nagpatuloy ang ICI sa pangangalap ng mga ebidensya, pagkausap sa mga isinasangkot, at pagbubuo ng tinatawag na investigative framework at information systems na tutulong sa pagsusuri ng mga iregularidad sa mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan. 

Noong Pebrero, nagsumite ang ICI ng accomplishment report kay Pangulong BBM. Dito inilista ng komisyon ang siyam na referrals o mga kasong mungkahing isampa ng Ombudsman. May 66 namang mga pangalan ang mungkahing pabigyan sa DOJ ng Immigration Lookout Bulletin Orders. Ito ang bunga ng mahigit 30 na mga pagdinig at pagkausap sa ilang personalidad katulad ng mga senador, kongresista, at pinuno ng iba’t ibang ahensya, gayundin ng onsite inspection sa diumano’y mga maanomalyang flood control projects. Tinataya ring nasa 24.7 bilyong piso ang halaga ng mga bank accounts na nai-freeze at mga assets o pag-aaring nabawi gaya ng mamahaling sasakyan, malalawak na lupain, at maging insurance policies.

Dismayado naman ang ilang progresibong mambabatas sa trabaho ng ICI. Sabi nga ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima, “Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa dinami-dami ng pasakalye, sa pagsasara rin ang tuloy.” Bitin ang ilang mambabatas at mga grupo sa nakamit ng ICI sa loob ng anim na buwan. “False hope” daw ang ibinigay ni PBBM para seryosong imbestigahan at papanagutin ang mga anila’y malalaking isda o mga makapangyarihang tao na nagnakaw sa kaban ng bayan. Kung sila ang tatangungin, mainam na i-certify as urgent ni PBBM ang House Bill No. 4453 na magtatatag ng isang Independent Commission Against Infrastructure Corruption na mas may ngipin, ‘ika nga, kaysa sa ICI na pagbibigay lang ng mga rekomendasyon ang ginawa. 

Sa lawak at tindi ng korapsyon sa mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno, napakaliit ng natumbok ng ICI. Wala rin ngang napanagot kasi wala itong kapangyarihang magsampa ng kaso. Ang totoong tagumpay ng komisyon ay nakasalalay kung aaksyunan ng Ombudsman at DOJ ang mga kasong inihain na isampa nila. Dito masusubok kung matatag nga ba talaga ang mga institusyong katulad ng Ombudsman, DOJ, at mga korte na bahagi ng mabilis at walang kinikilingang sistema ng pangangalaga sa mga karapatan, bagay na nasa sentro ng katarungang panlipunan na itinataguyod ng ating Simbahan. Ngayong matatapos na ang trabaho ng ICI, abangan natin ang susunod na kabanata.

Mga Kapanalig, sa pagkawala ng ICI, lalong lumaki ang hamon sa ating mga mamamayan na bantayan ang mga “humihingi ng suhol sa mga taong matuwid, at ipinagkakait… sa mga mahihirap ang katarungan,” wika nga sa Amos 5:12.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 38,979 total reads

 38,979 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 86,299 total reads

 86,299 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 187,566 total reads

 187,566 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 257,742 total reads

 257,742 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 341,966 total reads

 341,966 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 38,980 total reads

 38,980 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 86,300 total reads

 86,300 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 187,567 total reads

 187,567 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 257,743 total reads

 257,743 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »
Scroll to Top