Isa pang state of emergency

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 291,282 total reads

Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang linggong pagiging in denial ng Malacañang. 

Sa pandaigdigang usapin naman, may isa pang klaseng emergency ang nangangailangan ng atensyon.

Ayon sa State of the Global Climate, isang report ng World Meteorological Organization (o WMO), ang huling labing-isang taon—mula 2015 hanggang 2025—ang pinakamainit na naitala sa kasaysayan. Sa unang pagkakataon din, isinama sa report ang tinatawag na energy imbalance kung saan sinusukat ang rate o bilis ng pagpasok at paglabas ng enerhiyang mula sa araw sa ating mundo. Sa malusog na klima, halos magkapareho ang pumapasok at lumalabas na enerhiya mula sa araw. Pero dahil sa dami ng greenhouse gases sa atmosphere—gaya ng carbon dioxide, methane, at nitrous oxide na nagkukulong ng init mula sa araw—nasisira ang natural na balanse ng enerhiya sa mundo. 

Dagdag pa ng WMO, ang energy imbalance na ito ay dulot ng mga gawain ng tao, katulad ng pagsusunog ng langis, at mararanasan natin ang epekto nito sa libu-libong taon. Nakikita na natin ito sa buong mundo: sa banta sa kalusugan dulot ng heatwave at paglalâ ng dengue outbreaks, sa banta sa food security gaya ng fish kills at pagkaunti ng mga ani, sa lumalaganap na forest fires, at sa pagtindi ng mga bagyo.

Kaya naman, ipinahayag ni UN Secretary-General Antonio Guterres na ang klima ng mundo ay nasa state of emergency na. Aniya, ang bawat climate indicator ay umiilaw na pula—senyales na nasa delikadong antas na ang estado ng klima. Hindi raw nagkataon lang ang labing-isang magkakasunod na pinakamainit na taon. 

Sa dami at tindi ng mga krisis na kinahaharap natin, may magagawa pa ba tayo?

Meron siyempre. Ayon nga sa Catholic social teaching na Laudate Deum, “Ang pagsasabi na walang pag-asa ay tila pagpapatiwakal, dahil mangangahulugan ito ng paglalantad sa sangkatauhan, lalo na sa pinakamahihirap, sa pinakamapaminsalang epekto ng climate change.” Ang pagkilos laban sa krisis sa klima ay hindi lamang upang matiyak ang kabutihang panlahat o common good. Napakahalaga rin nito sa pagkamit ng katarungan sa harap ng krisis sa klima o climate justice. Alam nating ang may pinakamaliit na kontribusyon sa greenhouse gas emissions ang pinakaapektado ng krisis sa klima, at pinalalalâ rin nito ang ‘di-pagkakapantay-pantay sa mundo.

Nakaugat ang krisis sa klima sa walang-habas na pag-ubos sa mga likas na yaman sa ilalim ng sistema ng ekonomiya kung saan nangingibabaw ang walang-patumanggang pagpapalago ng profit o kita. Sinabi ni UN Secretary-General Guterres na kailangang magkaroon ng radikal na pagbabago sa pandaigdigang sistema ng ekonomiya upang maagapan ang tinatawag na planetary disaster. Aniya, mapaminsala ang ekonomiyang ginagantimpalaan ang pagsira sa kalikasan. Hindi dapat tayo nakabatay lamang sa gross domestic product—o sa yamang nililikha ng mga bansa—sa pagsukat ng kaunlaran.

Binibigyang-diin pa sa Laudate Deum ang kahalagahan ng mga desisyon ng mga namumuno sa pagpapatupad ng mga mabisang solusyon sa krisis sa klima. Pero mahalaga rin ang bawat pagkilos nating mga karaniwang mamamayan. Kailangan nating maunawaan na walang pangmatagalang pagbabago kung walang pagbabago sa kultura, at walang pagbabago sa kultura kung walang personal na pagbabago. Kaya naman, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Kasabay ng patuloy na panawagan sa ating pamahalaan at sa mga pandaigdigang institusyon, baguhin din natin ang sarili nating pamumuhay tungo sa makatarungang aksyon laban sa krisis sa klima.

Mga Kapanalig, gaya ng pahayag sa Genesis 2:15, inilagay tayo ng Diyos sa mundo upang ito ay pagyamanin at pangalagaan—hindi upang ubusin at abusuhin para sa mga pansariling interes. Pag-asa ang kailangan sa pagharap sa climate emergency.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 56,027 total reads

 56,027 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 116,524 total reads

 116,524 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 135,800 total reads

 135,800 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 216,454 total reads

 216,454 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 315,634 total reads

 315,634 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 56,028 total reads

 56,028 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 116,525 total reads

 116,525 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 135,801 total reads

 135,801 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 216,455 total reads

 216,455 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top