Prusisyon sa Diocesan Shrine of San Isidro Labrabor sa Pulilan, Bulacan, kinansela

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,035 total reads

Inihayag ng pamunuan ng Semana Santa 2026 ng Pandiyosesis na Dambana at Parokya ni San Isidro Labrador sa Pulilan, Bulacan ang pagkansela ng prusisyon sa Miyerkules Santo bilang pakikiisa ng dambana sa kalagayan ng mga higit na nangangailangan sa lipunan.

Ayon sa pahayag ni Msgr. Dario Cabral, rektor at kura paroko ng dambana, layunin ng naging desisyon na higit na pagnilayan ang tunay na diwa ng Mahal na Araw, lalo na sa gitna ng paghihirap ng maraming mamamayan sa gitna na rin ng krisis na dulot ng nagaganap na digmaan sa Gitnang Silangan.

“Masakit isipin na tayo ay nagdiriwang habang tila hindi natin nararamdaman ang paghihirap ng ating kapwa—lalo na ang kanilang gutom—at ang mga bagay na nasasayang na maaari sanang makatulong sa iba,” Bahagi ng pahayag ni Msgr. Cabral.

Pagbabahagi ng pamunuan ng dambana, isang prusisyon na lamang ang isasagawa sa Good Friday bilang pagninilay sa pagpapakasakit at kamatayan ng Panginoon.

“Kaya po, isang prusisyon na lamang ang ating gaganapin—sa Biyernes Santo. Doon po natin pagnilayan ang pagpapakasakit at kamatayan ng ating Panginoon,” Dagdag pa ni Msgr. Cabral.

Hinimok din ni Msgr. Cabral, ang mga mananampalataya na ituon ang panahon ng Mahal na Araw sa pananalangin, partikular na para sa kapayapaan sa gitna ng mga umiiral na digmaan at krisis sa enerhiya sa mundo.

Hinikayat din ng Pari, ang lahat na isama sa pananalangin ang pagwawakas ng lahat ng mga sigalot at armadong sagupaan upang tuluyan ng makamtan ang kapayapaan sa sanlibutan.

“Sa mga araw ng Mahal na Araw, inaanyayahan po namin kayong manalangin—lalo na para sa kapayapaan. Ipagdasal natin ang pagtatapos ng digmaan at ng krisis sa enerhiya. Isama po natin sa ating mga panalangin ang Prayer for Disarmament and Peace, upang tuluyan nang magwakas ang mga sigalot na ito.” Ayon kay Msgr. Cabral.

Umaasa rin si Msgr. Cabral na ang paggunita ng Mahal na Araw ay magsilbing paanyaya para sa mas malalim na pag-unawa at pakikiisa sa kalagayan ng mga dukha at mga labis na naaapektuhan ng krisis sa kasalukuyang panahon.

“Nawa ang Mahal na Araw ay maghatid sa atin ng mas malawak na pang-unawa at mas malalim na pakikisangkot sa kalagayan ng mga nangangailangan, ng mga dukha, at ng mga labis na naaapektuhan ng krisis na dulot ng digmaan.” Dagdag pa ni Msgr. Cabral.

Samantala nagpahayag din ng pakikiisa ang pamunuan ng dambana sa panawagan ng mga jeepney at tricycle drivers kaugnay sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 21,830 total reads

 21,830 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 53,938 total reads

 53,938 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 114,435 total reads

 114,435 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 133,806 total reads

 133,806 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 214,460 total reads

 214,460 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 313,759 total reads

 313,759 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top