Samahan at ipanalangin ang mga pari sa kanilang bokasyon, panawagan ni Bishop Agcaracar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,805 total reads

Nanawagan si San Jose Nueva Ecija Bishop Samuel Agcaracar, SVD sa mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin at samahan ang mga pari sa gitna ng mga hamon sa kanilang bokasyon.

Ito ang mensahe ng Obispo sa ginanap na Chrism Mass noong Martes Santo, Marso 31, 2026 sa St. Joseph the Worker Cathedral.

Ayon kay Bishop Agcaracar, hindi maikakaila na may mga negatibong pananaw at paratang laban sa mga pari, ngunit hinikayat niya ang mga mananampalataya na tumugon sa pamamagitan ng panalangin at pag-unawa.

Paliwanag ng Obispo, kinakailangan ng mga lingkod ng Simbahan ang dasal, tulong, at pag-agapay ng bawat mananampalataya.

“Ipagdasal nyo kami. Tulungan nyo kami. Samahan nyo kami. Huwag kayong makiisa,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Agcaracar.

Binigyang-diin din ng Obispo na hindi lamang mga pari ang dapat magsuri ng sarili, kundi maging ang mga layko na naglilingkod sa Simbahan.

Giit ni Bishop Agcaracar, hindi dapat na malimutan ng bawat isa ang kaakibat na misyon at pananagutan ng pagiging isang binyagan.

“Lahat tayo nakakalimutan natin ang diwa ng ating pagiging pinahiran ng Diyos… ang ating paglilingkod ba ay para sa Diyos?” Dagdag pa ni Bishop Agcaracar.

Pinagtibay rin ng Obispo ang kahalagahan ng pagkakaisa sa loob ng Simbahan, bilang isang pamayanang pinagbubuklod ng iisang pananampalataya.

Ayon kay Bishop Agcaracar, ang pagkakahati-hati ay taliwas sa tunay na diwa ng Simbahan, sapagkat iisa lamang ang langis na ipinapahid sa bawat isa, ang langis ni Kristo na sumasagisag sa pagkakaisa ng lahat.

Hinimok din ng Obispo ang mga pari at layko na pairalin ang pagmamalasakit, pagpapatawad, at pakikipagkaisa sa isa’t isa bilang bahagi ng kanilang paglilingkod sa Simbahan at pamayanan.

“Let’s continue to do our own mission. We are sent because we are called and anointed. But we can never do our mission if we are not united. No matter how beautiful the churches that we build, if we are not united, we only continue to hurt one another and our people. May that calling of poverty continue to challenge us and inspire us to reach out as a church, to go out as a church.” Ayon pa kay Bishop Agcaracar.

Samantala, pinaalalahanan din ng Obispo ang lahat, na ang bawat isa ay tinatawag at isinugo upang gampanan ang kani-kanilang misyon sa Simbahan.

Umaasa rin si Bishop Agcaracar na ang diwa ng kahirapan, kababaang-loob, at paglilingkod ay magtutulak sa Simbahan na higit pang mag-abot ng tulong at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Batay sa tala, katuwang ni Bishop Agcaracar sa pangangasiwa sa buhay espiritwal ng may higit sa 600,000 Katoliko sa 21-parokya sa Diyosesis ng San Jose Nueva Ecija ang 35 mga Pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 65,531 total reads

 65,531 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 98,102 total reads

 98,102 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 199,928 total reads

 199,928 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 240,486 total reads

 240,486 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 258,273 total reads

 258,273 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 52,196 total reads

 52,196 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top