Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Austerity measures, ipinatupad ng Diocese of Kidapawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,861 total views

Naglabas ng pastoral advisory si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo para sa kaparian ng diyosesis kaugnay ng nararanasang krisis na dulot ng patuloy na digmaan sa Gitnang Silangan.

Sa liham sirkular na ipinadala sa lahat ng mga pari ng Diyosesis ng Kidapawan, hinikayat ng Obispo ang pagkakaisa ng Simbahan lalo na sa panahon ng Mahal na Araw, kasabay ng panawagan na pagnilayan ang paghihirap ng Panginoon at ang kalagayan ng mamamayan.

“This also urgently calls us to consciously reflect, pray and do something about the great difficulty and hardships that we and our people experience,” Bahagi ng liham sirkular ni Bishop Bagaforo.

Bilang pakikiisa sa mga apektado ng krisis, inilatag ni Bishop Bagaforo na siya ring Co-President ng Pax Christi International ang ilang konkretong hakbang ng diyosesis para sa Simbahan, kabilang ang pagpapatupad ng austerity measures.

“Austerity measures: Please minimize expenses and reduce fuel consumptions,” Dagdag pa ni ni Bishop Bagaforo.

Pinayuhan din ni Bishop Bagaforo ang mga Pari na ipagpaliban ang mga hindi agarang gastusin at maging sensitibo sa kakayahang pinansyal ng mga mananampalataya.

“Take on hold all extraordinary or capital expenses and be extra sensitive to our people’s economic situation,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Hinihikayat din ng Obispo ang mga parokya na maglunsad ng mga programa para sa mahihirap tulad ng feeding programs, relief assistance, at community pantry, gamit ang pondo mula sa Alay Kapwa.

“Please take the initiative to have programs for the poor… Let us extend help, lighten burdens, and give hope to our people,” Panawagan ni Bishop Bagaforo.

Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo ang tungkulin ng mga Pari bilang mga pastol ng kawan, na tinatawag na maglingkod at magbigay pag-asa sa gitna ng mga pagsubok sa lipunan.

Samantala, ipinanalangin din ng Obispo ang paggabay ng Mahal na Birhen sa lahat ng mananampalataya sa gitna ng mga hamon kinahaharap ng daigdaig.

Inaasahang mananatili ang nasabing pastoral advisory hanggang sa bumuti ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa na kasalukuyang naaapektuhan ng nagaganap na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 62,453 total views

 62,453 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 84,519 total views

 84,519 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 100,215 total views

 100,215 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 107,084 total views

 107,084 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 166,691 total views

 166,691 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top