Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,456 total reads

Homiliya para sa Miyerkoles Santo, 1 Abril 2026, Mat 26:14-25

Kagabi, nagbigay ako ng rekoleksyon tungkol sa apat na tula ni propeta Isaias tungkol sa tinatawag kong Mahiwagang Lingkod. Apat na tula na hindi pinapalitan o binabago sa mga pagbasa taon-taon tuwing Holy Week: iyung una—binabasa tuwing Lunes Santo (42:1-7), ang pangalawa—tuwing Martes Santo (49:1-6), ang pang-apat naman ay sa Biyernes Santo (53:1-12). Ang pangatlo ay ngayon Miyerkoles Santo (50:4-9).

Itong apat na ito ang naging pundasyon ng pagsusumikap ng mga unang alagad na mabigyang kahulugan ang pagdurusa at kamatayan sa krus ni Jesus Nazareno, kahit wala siyang kasalanan. Hindi na parusa o pagsubok ang tingin sa pagdurusa sa mga panulat na ito ng propeta, kundi kakaibang paraan ng pagliligtas: redemptive suffering o pagdurusang tumutubos.

Ang mga kuwentong superheroes kadalasan ay kuwentong pagliligtas. Mamamagitan ang superhero para hindi mapahamak ang ililigtas niya. Pero siya mismo, hindi naman napapahamak. Dito kakaiba ang paraan ni Hesus, na naunawaan ng mga unang Kristiyano bilang katuparan ng paraan ng pagliligtas ng Mahiwagang Lingkod. May kapalit ang kaligtasan ng inililigtas—ang pagkapahamak ng nagliligtas. Ang tawag natin dito sa Tagalog ay pagtubos. Sariling buhay ang kapalit bilang pantubos sa minamahal.

Magpahanggang ngayon, parang ito ang napaka-hirap unawain at tanggapin tungkol sa paraan ni Kristo. Malinaw na malinaw ito lalo na sa konteksto ng nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Walang gustong magpaubaya o magbigay. Para sa America, kung susunod ang Iran sa 15 kundisyon ni Trump, ititigil nila ang giyera. Para sa Iran, sila ang inatake, at ang pag-atake nila at pagsara sa Strait of Hormuz ay ganti lang nila sa ginawa sa kanila. Titigil sila at bubuksan ang strait of Hormus kung aamin ang Amerika at Israel sa pagkakamali nila, kung pagbabayaran nila ang idinulot na perwisyo sa bansa nila.

Tatlong relihiyon ang sakangkot sa giyerang ito: Hudyo, Kristiyano, at Muslim—na kung tutuusin ay pare-pareho ang pinagmulan , kaya tinatawag na Abrahamic faiths, o pananampalatayang nagmula kay Abraham. Pero kakaiba ang tinig ni Papa Leon nitong mga nagdaang araw. Sabi niya, “Hindi pwedeng gamitin ang relihiyon bilang justification sa giyera. Paglapastangan sa ngalan ng Diyos ang paggamit sa Diyos bilang justification ng giyera.” Sabi pa niya, “Ang panalangin ng mga taong walang makitang ibang solusyon sa hidwaan kundi giyera ay hindi pakikinggan ng Diyos, dahil may bahid na dugo ang mga kamay nila.”

Ayon kay San Juan, batay sa kanyang kuwento ng pasyon, mulat daw si Hesus sa nangyayari sa kanya. Pero nanindigan pa rin siya, hindi umatras. Alam niyang ipagkakanulo siya, ipapaaresto at papatawan ng parusang bitay, pero hindi siya umalma o lumaban. Hindi rin niya pinayagan ang mga alagad niya na gumamit ng armas para ipagtanggol ang sarili.

Tama si San Pablo sa pangaral niya sa mga Kristiyano sa Roma: “Idalangin ninyo sa Diyos na pagpalain niya, kahit ang mga umuusig sa inyo. Pagpalain n’yo sila sa halip na sumpain. Makigalak sa mga nagagalak, makipagluksa sa nga nagluluksa… Huwag gantihan ng masama ang masama. Talunin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan.” (Rom 12:9-17)

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,836 total reads

 1,836 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 59,446 total reads

 59,446 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 119,943 total reads

 119,943 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 139,030 total reads

 139,030 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 219,683 total reads

 219,683 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 318,706 total reads

 318,706 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 16,335 total reads

 16,335 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 15,977 total reads

 15,977 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 41,164 total reads

 41,164 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 105,185 total reads

 105,185 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top