Pasko ng pagkabuhay ay apela sa magkakatunggali na wakasan na ang hidwaan-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,746 total reads

Umapela si Manila Archbishop Jose Advincula ng agarang pagtigil ng digmaan sa mundo, kasabay ng matinding panawagan laban sa kawalang pakialam ng lipunan.

Sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, muling nanawagan ang arsobispo sa mga magkatunggaling panig na wakasan na ang mga karahasan.

Ayon sa kardinal, nararapat na matigil na ang mga karahasang patuloy na nagdudulot ng matinding pagdurusa sa sangkatauhan.

“Together with our Holy Father, Pope Leo XIV, I call for an end to this senseless war that has brought nothing but suffering and destruction,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din nito na ang diwa ng Pasko ng Pagkabuhay ay hindi lamang pagdiriwang, kundi panawagan ng pagkilos laban sa kasamaan sa lipunan.

“Easter is a summons to all peoples to reject the ‘globalization of indifference’ and the normalization of genocide,” ani ng kardinal.

Iginiit ni Cardinal Advincula na ang epekto ng digmaan ay hindi lamang nararamdaman sa mga bansang direktang apektado, kundi maging sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan sa buong mundo, lalo’t nararamdaman ang pang-ekonomiyang krisis lalo na sa mga mahihirap na bansa.

“This international conflict has brought immense suffering to all of us—from inflation and economic hardship to severe mental and emotional anguish,” dagdag pa ng arsobispo.

Kasabay nito, nanawagan ang kardinal ng pananagutan at katarungan sa pamamahala, lalo na sa gitna ng patuloy na paghihirap ng mamamayan.

“I appeal for accountability, for the relentless pursuit of justice in public governance, and for more urgent action to alleviate the agony of our people,” saad ni Cardinal Advincula.

Ipinaalala rin nito na ang muling pagkabuhay ni Hesus ay sumasagisag sa paninindigan laban sa kasamaan at kawalan ng pag-asa.

“The Resurrection of Jesus is the most subversive and revolutionary message of Christianity… a call to resistance,” ayon sa kardinal.

Hinimok ni Cardinal Advincula ang mananampalataya na isabuhay ang tunay na diwa ng Pasko ng Pagkabuhay sa pamamagitan ng pagkilos para sa kabutihan, katarungan at pag-asa.

Umaasa ang arsobispo na hindi lamang mananatili sa mga ritwal tulad ng Salubong at iba pang mga pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus kundi nararapat na maipahayag ang diwa ng pagtatagumpay ni Hesus sa dilim ng kamatayan tungo sa liwanag ng pag-asa at buhay na walang hanggan.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 12,625 total reads

 12,625 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 48,770 total reads

 48,770 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 142,997 total reads

 142,997 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 203,489 total reads

 203,489 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 217,397 total reads

 217,397 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 297,430 total reads

 297,430 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 12,626 total reads

 12,626 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top