Panatilihing buhay ang pag-asa, paalala ni Bishop Vergara sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,930 total reads

Inihayag ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na nananatiling buhay ang pag-asa sa gitna ng mga krisis at kaguluhang nangyayari sa mundo.

Ito ang binigyang-diin ng obispo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Easter Vigil sa Pasig Cathedral.

Sa kanyang homiliya, iniuugnay ni Bishop Vergara ang mensahe ng muling pagkabuhay ni Hesus sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo, partikular sa digmaan sa Middle East.

“Anuman ang mangyari, may awa ang Diyos. Anuman ang dinadaanan nating krisis sa buhay, may pag-asa… Sa Iran, sa Israel… may mga libingang may laman… hindi lang daan-daan kundi libu-libu ang pumanaw,” ayon kay Bishop Vergara.

Lubhang ikinalungkot ng obispo ang mga karahasan at nagpahayag ng dalamhati sa patuloy na digmaan at pagkasawi ng maraming buhay.

Gayunpaman, iginiit ni Bishop Vergara na ang muling pagkabuhay ni Kristo ang pinagmumulan ng pag-asa ng sangkatauhan.

Ipinaalala ng obispo na ang liwanag ng Pasko ng Pagkabuhay ay sumasagisag sa tagumpay laban sa kadiliman.

“Naniniwala tayo… na matatapos din ang lahat ng ’yan. Naniniwala tayo na maghahari ang kapayapaan. Kahit sa kadiliman, matingkad ang liwanag… nagtagumpay si Jesus,” ayon sa obispo.

Binigyang-diin ni Bishop Vergara na sa muling pagkabuhay ni Hesus, nagkakaroon ng katiyakan ang mga mananampalataya na malalampasan ang anumang pagsubok.

“Dahil si Jesus ay muling nabuhay, anumang pagdurusa ay malalampasan natin,” saad ng obispo.

Hinimok din nito ang mga mananampalataya na isabuhay ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagbabahagi at paglilingkod sa kapwa.

Inihayag ng pastol na ang maliit na liwanag na tangan ng bawat isa ay paalala ng patuloy na pag-asa kay Kristo.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 13,364 total reads

 13,364 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 50,321 total reads

 50,321 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 144,548 total reads

 144,548 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 205,041 total reads

 205,041 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 218,948 total reads

 218,948 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 298,917 total reads

 298,917 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 13,365 total reads

 13,365 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top