Ipinagdiwang ang muling pagkabuhay ng panginoon ng pag-asa at paghilom

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,790 total reads

Nagpahayag si Malolos Bishop Dennis Villarojo ng mensahe ng pag-asa at paghilom sa gitna ng mga makabagong sugat ng mundo sa kasalukuyang panahon

Ito ang bahagi ng mensahe ng Obispo kaugnay sa Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.

Ayon kay Bishop Villarojo, ginugunita ngayon ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon sa panahong nababalot ng takot at pangamba ang lahat dulot ng digmaan at kawalan ng katiyakan para sa hinaharap.

“Ipinagdiriwang natin ang Muling Pagkabuhay ng Panginoon sa anino ng isang mundong sugatan dahil sa digmaan. Nakapagdudulot na ng pangamba ang digmaang ito hindi lamang sa mga mismong nakararanas ng kaguluhan kung hindi sa buong daigdig dahil sa kawalan ng kasiguraduhan sa ating kinabukasan. Ito ang makabagong sugat na tangan natin sa ating mga buhay: pighati, takot at pangamba.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Villarojo.

Binigyang-diin ni Bishop Villarojo na sa kabila ng mga nagaganap na kaguluhan sa mundo ay nananatiling matatag ang pag-asa ng Simbahan para sa pagkaakaroon ng kaayusan at kapayapaan sapagkat muling nabuhay si Kristo.

Ipinaalala rin ng Obispo na bagamat muling nabuhay si Kristo, nananatili ang bakas ng Kanyang mga sugat na ngayon ay nagiging daan ng paghilom para sa sangkatauhan.

Paliwanag ni Bishop Villarojo, nasasaad sa Mabuting Balita ng Panginoon na ang pagdurusa, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo ang naging bukal ng biyaya para sa sanlibutan.

“Hindi naglaho ang kanyang mga sugat, ngunit ito ay nagkaroon na ng bagong kabuluhan sa kanyang muling pagkabuhay. Ang kanyang mga sugat ang pinagmumulan ng paghilom ng buong sangkatauhan… Ang mga sugat na tanda ng kanyang pagdurusa ang siya ring pinagbubukalan ngayon ng biyaya ng paghilom. Itong mga sugat sa katawan na kakampi ng kamatayan ang siya ngayong tanda ng simula ng bagong buhay.” Dagdag pa ni Bishop Villarojo.

Sa gitna naman ng pagdurusa ng mundo dahil sa digmaan, pinaalalahanan ng Obispo ang mga mananampalataya na hindi kailanman iniiwan ng Panginoon ang mga naghihirap.

Hinikayat din ni Bishop Villarojo ang lahat na maging instrumento ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

“Sa mundong lubhang pinagdurusa ng digmaan, pinalalakas tayo ng katotohanang ito. Hindi tayo iniiwan ni Hesus sa ating mga pagdurusa. Sinagupa rin ni Hesus ang sukdulan ng karahasan ng tao sa kanyang pagpapakasakit, ngunit hindi niya ito ginawa upang palaganapin pa ang karahasan kundi upang iligtas at hilumin tayo mula sa abang kalagayan ng ating pagkatao.” Ayon pa kay Bishop Villarojo.

Samantala muli ring tiniyak ni Bishop Villarojo na nananatiling buhay ang pag-asa sa kabila ng sugatang mundo, sapagkat si Kristong Muling Nabuhay ang patuloy na pinagmumulan ng paghilom at kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,120 total reads

 226,120 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,851 total reads

 257,851 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,675 total reads

 359,675 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,237 total reads

 400,237 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,736 total reads

 411,736 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top