Maging matapang sa pagpapahayag ng mabuting balita, paanyaya ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,892 total reads

Iginiit ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng katotohanan at pananampalataya kasabay ng patuloy na pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon, sa gitna ng paglaganap ng maling impormasyon sa lipunan.

Sa kanyang pagninilay sa Regina Coeli sa St. Peter’s Square sa Vatican, binigyang-diin ng Santo Papa na nalilihis ang katotohanan dahil sa mga kasinungalingan at iba pang uri ng manipulasyon ng impormasyon.

“This contrast invites us to reflect on the value of Christian witness and the integrity of human communication. Often, the proclamation of truth is obscured by what we today call “fake news” — lies, insinuations, and unfounded accusations,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng santo papa na tulad ng nangyari sa muling pagkabuhay ni Hesus, may dalawang magkaibang salaysay na maaaring piliin ng tao, ang katotohanang nagbibigay-buhay, at ang kasinungalingang nagdudulot ng kamatayan.

Kaugnay nito, hinikayat ng punong pastol ang mga mananampalataya na maging matapang sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Hamon ng Santo Papa sa mananampalataya na huwag matakot na ipahayag ang mabuting balita bilang paanyaya na isabuhay at ipalaganap ang mensahe ng muling pagkabuhay ni Kristo.

Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV na sa pamamagitan ni Hesus ang kawalan ng pag-asa dulot ng kamatayan ay tuluyang napawi at ang Pasko ng Pagkabuhay ay nagdudulot ng panibagong pag-asa para sa sangkatauhan.

Inalala rin ni Pope Leo ang mga taong patuloy na nagdurusa sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang mga biktima ng digmaan, mga inuusig dahil sa pananampalataya, at mga batang napagkakaitan ng edukasyon.

“Dear friends, how important it is that this Gospel reach, above all, those oppressed by the evil that corrupts history and confuses consciences! I think of people afflicted by war, of Christians persecuted for their faith, of children deprived of an education. To proclaim the Paschal mystery of Christ in both word and deed means to give a new voice to hope — a hope otherwise stifled by the hands of the violent. Wherever it is proclaimed, the Good News sheds light upon every shadow, in every age,” ani santo papa.

Giit ng pastol na ang pagpapahayag ng misteryo ng Pasko ng Pagkabuhay ay nagbibigay ng bagong tinig sa pag-asa—lalo na sa gitna ng karahasan at kaguluhan.

Apela ni Pope Leo XIV sa lahat ng mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kapayapaan sa buong mundo, kasabay ng pagdiriwang ng Easter Octave.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 228,188 total reads

 228,188 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 259,919 total reads

 259,919 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 361,743 total reads

 361,743 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 402,306 total reads

 402,306 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 413,649 total reads

 413,649 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top