Special prayer for peace, pangungunahan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,310 total reads

Tiniyak ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagtugon ng Simbahan sa Pilipinas sa panawagan ni Pope Leo XIV na pananalangin para sa kapayapaan sa kanyang nakalipas na Easter Urbi et Orbi message.

Sa panibagong sirkular ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang kanyang hinimok ang lahat ng diyosesis sa bansa na magsagawa ng special prayer vigil para sa kapayapaan sa darating na Abril 11, 2026, bilang pakikiisa sa panawagan ng Santo Papa.

Ito ay kasunod ng partikular na panawagan ni Pope Leo XIV sa kanyang Easter Urbi et Orbi message sa St. Peter’s Basilica sa Vatican na magdaos ng isang pandaigdigang panalangin para sa kapayapaan.
Ayon kay Archbishop Garcera, maaring isagawa ang pakikiisa sa pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa pamamagitan ng Eucharistic adoration, pagdarasal ng Rosaryo, pagdiriwang ng banal na misa o pagsasagawa ng iba pang liturgical o devotional gatherings.

“In communion with the Holy Father, we respectfully encourage all dioceses to organize a prayer vigil on April 11, at any suitable time of the day, so that the faithful may spiritually join this universal initiative. This may take the form of Eucharistic adoration, the Holy Rosary, the celebration of the Holy Mass for peace, or other appropriate liturgical or devotional gatherings.” Bahagi ng sirkular ni Archbishop Garcera.
Giit ni Archbishop Garcera, mahalaga ang sama-samang panalangin ng Simbahan lalo na sa panahong dumarami ang hidwaan at umiiral ang tinatawag na “globalization of indifference.”

Sa liham sirkular na ipinadala sa mga Obispo at mga tagapaangasiwa ng mga diyosesis, hinikayat ni Arsobispo ang bawat lokal na Simbahan na magsagawa ng mga nasabing gawaing espiritwal sa bawat parokya, gayundin sa mga relihiyosong institusyon at komunidad.

“Such a collective act of prayer will not only express our solidarity with the Holy Father but will also witness to our shared hope that true peace, which begins in Christ, may prevail in our hearts and in the world. We kindly ask that this invitation be communicated to parishes, religious communities, and lay faithful within your diocese, encouraging broad participation in this important moment of ecclesial unity and intercession.” Dagdag pa ni Archbishop Garcera.

Paliwanag ni Archbishop Garcera, layunin ng inisyatiba na mapalalim ang pagkakaisa ng Simbahan at mapalakas ang pananalangin para sa kapayapaang nagmumula kay Kristo.

Hiniling din ng CBCP na iparating ang paanyaya sa bawat layko at pamilyang Pilipino upang higit na mapalawak ang pakikilahok sa nasabing gawain ng pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig.

Matatandaang una ng itinakda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang muling pagtatalaga sa Divine Mercy ng buong bansa bilang tugon sa kasalukuyang mga hamon at kawalang-katiyakan sa mundo.

Sa naunang sirkular ng Archbishop Garcera, inaprubahan ng Permanent Council ng CBCP ang renewal of the Consecration to the Divine Mercy na isasagawa sa Divine Mercy Sunday, sa Abril 12, 2026 kung saan inaanyayahan ang buong sambayanan na magkaisa sa pananalangin at lubos na magtiwala sa Diyos sa pamamagitan ng sabayang pagpaapahayag ng pananalig kay Hesus na muling nabuhay.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 13,323 total reads

 13,323 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 15,651 total reads

 15,651 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 33,089 total reads

 33,089 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 1,624 total reads

 1,624 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 83,558 total reads

 83,558 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 177,783 total reads

 177,783 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 238,272 total reads

 238,272 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 252,108 total reads

 252,108 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 13,325 total reads

 13,325 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 15,653 total reads

 15,653 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top