Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 181,495 total reads

Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras? 

Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte, nagawa raw ng Office of the Vice President na magpamudmod ng 125 milyong piso sa loob ng 24 oras! 

Sinabi ito ni Ramil Madriaga sa pagdinig na ginawa ng House Justice Committee tungkol sa mga impeachment complaints laban kay VP Sara. Dinala raw ang pera sa iba’t ibang lugar: sa isang probinsya, isang comedy bar, at maging sa parking lot ng Office of the Ombudsman.

Bahagi ang pagdinig ng paglilinaw sa mga isyung nakapaloob sa mga impeachment complaints laban sa bise presidente. Kabilang dito ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, hindi pagdedeklara ng kumpletong Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN), panunuhol, pagbabanta sa buhay ng mga opisyal, at iba pang posibleng paglabag sa Konstitusyon.

Mariing itinanggi ng bise presidente ang mga paratang ni Madriaga, at sinampahan ang testigo ng kasong perjury. Inakusahan din niya si Madriaga na konektado umano sa isang kidnap-for-ransom group, kaya kaduda-duda raw ang kredibilidad nito. Pero dahil hindi pa nahahatulan si Madriaga para sa anumang krimen, umiiral ang presumption of innocence. May karapatan pa rin siyang magbigay ng testimonya.

Mahalaga ring tandaan na may mga mekanismo ang ating mga institusyon upang salain ang katotohanan mula sa mga testigo. Halimbawa, ang pagsasalita sa ilalim ng panunumpa ay hindi basta pormalidad; ang pagsisinungaling ay may kaakibat na mabigat na parusa. Bukod dito, nag-waive ng bank secrecy si Madriaga upang masuri ang mga financial records niya bilang bahagi ng imbestigasyon. Dito pumapasok ang due process o ang paghahanap ng corroboration at ang pagtiyak na ang bawat pahayag ay may sapat na ebidensya.

Hindi rin naman umiikot ang buong kasong impeachment sa iisang testigo. Ayon sa isang kongresista, may iba pang ebidensyang maaaring tumindig kahit wala ang testimonya ni Madriaga. Isa na rito ang ulat ng Commission on Audit (o COA), na naglabas ng Notice of Disallowance para sa mahigit 73 milyong piso mula sa confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022. Ibig sabihin, nakita ng COA na ang ilang gastusin ng opisina ay maaaring “irregular, unnecessary, excessive, extravagant, or unconscionable.”

May pagkakataon na si VP Sara na ipagtanggol ang kanyang sarili at sagutin ang mga paratang laban sa kanya. Ito na ang hinihingi niyang “bloodbath.” Pero kapansin-pansin naman ang kanyang pagliban sa mga hearings ng House Committee on Justice. 

Pamumulitika ang tingin ng iba sa impeachment, pero makita rin sana ito bilang pagpapanagot sa mga pinagkakatiwalaan nating pangasiwaan ang pondo ng bayan. Kung nagagalit tayo sa mga isyung katulad ng katiwalian sa mga flood control projects, dapat magalit din tayo sa anumang alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds at pagbubulsa nito ng mga dapat naglilingkod sa taumbayan. 

Ang paninindigan para sa katotohanan ay hindi lamang usaping legal—ito rin ay usaping moral. Ipinapaalala ni Pope John XXIII na ang ugat ng kaguluhan ay ang kawalan ng kaalaman sa katotohanan, o ang pagtanggi rito kapag ito ay natuklasan na. Kung nais natin ng tunay na kaayusan at kaunlaran, kailangan nating pahalagahan at ipagtanggol ang katotohanan.

Mga Kapanalig, kapag milyun-milyong pisong pondo ng bayan ang pinag-uusapan, kailangan ang malinaw na sagot. Kung may katotohanan ang mga alegasyon ni Madriaga, malaking kasalanan ang paggamit ng pondo ng bayan para sa personal na kapakinabangan. Sinasabi sa Mga Kawikaan 10:9, “Ang namumuhay nang tapat ay pinaghaharian ng kapayapaan, ngunit ang may likong landas ay malalantad balang araw.” Hayaan nating umusad ang proseso. Hayaang magsalita ang ebidensya. Magtiwala tayong mananaig ang katotohanan at hustisya.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 208,500 total reads

 208,500 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 243,173 total reads

 243,173 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 259,073 total reads

 259,073 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 295,562 total reads

 295,562 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 301,769 total reads

 301,769 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 208,501 total reads

 208,501 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 243,174 total reads

 243,174 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 259,074 total reads

 259,074 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 295,563 total reads

 295,563 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top