Sabotahe sa Ayungin Shoal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 199,608 total reads

Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska ang ilang boteng plastik ng mga dishwashing liquid na may kahina-hinalang laman. Pang-apat na itong insidenteng naitala magmula Pebrero 2025 kung saan may mga nakitang bangkang pangisda na may dalang katulad na mga bote. Nakita rin mismo ng Philippine Navy na kabilang sa mga aktibidad ng mga sakay ang pagsisid sa nasabing lugar.

Dahil sa kahina-hinalang laman ng mga bote, ang mga unang nakumpiska mula sa mga naunang insidente ay isinailalim sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation (o NBI). Nitong nakaraang linggo lamang lumabas ang resulta ng pagsusuri, at doon natuklasang positibo ang mga ito sa kemikal na cyanide.

Ang cyanide ay hindi basta pangkaraniwang kemikal. Isa itong matinding lason na pumapatay ng isda at sumisira sa bahura o coral reefs. Kapag nalason ang coral reefs, hindi ito agarang maibabalik. Maraming taon ang aabutin bago ito muling mabuhay, kung mabubuhay pa. Dahil sa matinding pinsalang dulot nito, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cyanide sa pangingisda sa Pilipinas. Ayon pa sa NBI, sapat ang dami ng kemikal na nakuha sa mga bote upang magdulot ng pinsala sa kalusugan ng tao. Hindi lamang sinisira ng mga dayuhan ang ating yamang-dagat. Nilalabag pa nila ang ating batas at inilalagay sa panganib ang ating mga sundalo!

Hinala ng Philippine Navy, sinasadya ang paggamit ng cyanide upang kontaminahin ang karagatan at ilagay sa panganib ang pinagkukunan ng pagkain at inumin ng ating mga sundalo. Kahit pa kasama ang tubig sa mga suplay na ipinadadala sa BRP Sierra Madre, mahalaga pa ring pinagkukunan ng tubig ang dagat. Nanghuhuli rin sila ng sariwang isda upang madagdagan ang kanilang suplay ng pagkain, kaya anumang kontaminasyon sa karagatan ay may direktang epekto sa kalusugan ng mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal. Dahil dito, hindi natin masasabing aksidente o nagkataon lamang ang presensya ng cyanide sa mga boteng nadiskubre. Ito ay tahasang pananabotahe!

Ano pa nga ba ang mga atakeng ito kung hindi paraan na naman ng China upang pahinain ang ating presensya sa Ayungin Shoal, paraan na naman ng paggiit ng kanilang sinasabing “karapatan” sa teritoryo. Wala silang respeto sa ating batas, sa ating soberanya, kahit sa ating karapatan! Kahit na malinaw naman na ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng ating exclusive economic zone, patuloy ang kanilang panghihimasok. Kahit may malinaw ang arbitral ruling noong 2016 na pabor sa Pilipinas, patuloy itong binabalewala na tila ba walang umiiral na batas kundi ang kanilang sariling kagustuhan.

Higit pa sa paglabag sa batas at soberanya, malinaw na ito ay usaping moral at pananampalataya. Wika sa Mikas 2:1, “Kaawa-awa ang mga may masamang balak na nagpaplano ng kasamaan.” Ang pananabotahe at ang sadyang paninira sa ating mga yamang-dagat at paglalagay sa buhay sa panganib ay maituturing na planadong kasamaan. Kaawa-awa ang mga sumasabotahe tulad ng China, hindi dahil sila ang biktima, kundi dahil kinakailangan pa nilang umabot sa paggawa ng masama upang makuha ang kanilang kagustuhan. 

Mga Kapanalig, binigyang-diin ni Pope Francis ang malalim na koneksyon ng pag-aalaga sa kalikasan at kapakanan ng tao. Kung hindi maaaring paghiwalayin ang kalikasan at tao, malinaw na ang sinumang sadyang sumisira sa kapaligiran ay nananakit din sa kapwa-tao. Ang pananabotahe ay hindi lamang laban sa ating teritoryo; tahasang pag-atake ito sa buhay ng tao, isang gawaing lumalabag sa dignidad ng kapwa at sa ating pananagutan sa isa’t isa. Bilang mga mananampalataya, hindi tayo maaaring manahimik sa harap ng ganitong uri ng kawalan ng katarungan. Kaya’t ating isigaw: atin ang Ayungin Shoal!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,844 total reads

 43,844 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,821 total reads

 93,821 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,692 total reads

 141,692 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,641 total reads

 245,641 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 329,507 total reads

 329,507 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,845 total reads

 43,845 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,822 total reads

 93,822 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,693 total reads

 141,693 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top