12 steps rehab program, inirekomenda ng Diocese of San Pablo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total reads

Ipinagmalaki ni Diocese of San Pablo Laguna Bishop Buenaventura Famadico ang 12 pamamaraan na ginagamit sa isang relocation area sa Calauan Laguna upang makapag-balik loob ang mga sumukong indibidwal na lulong sa droga.

Sinabi ni Bishop Famadico na epektibo sa lahat ng uri ng adiksyon at marami na ang nakinabang sa ’12 Steps’ dahil nagsisimula ito sa pagkilala sa dakilang manggagamot na si Hesus na ating Panginoon na kayang hilumin ang ating kaluluwa at muling pag-alabin ang ating buhay-espiritwal.

“Kapag sinabing adik, hindi ko na control ang sarili ko at hindi ko na kaya at kapag hindi ko na kaya ano ang gagawin ko? Eh di kakapit ako to somebody na talagang makakatulong sa akin at mas makapangyarihan kaysa sa akin, na walang iba kundi ang ating Panginoon,” pahayag ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas

Ipinaalala ni Bishop Buenaventura na dapat sabayan ng aksiyon ang bawat panalangin gayundin ang paghingi ng tulong sa kapwa upang mas maging mabilis ang pagbabagong-buhay.

Kaugnay nito, hinihikayat din ng Obispo ang mga indibidwal na nalulong hindi lang sa ipinagbabawal na gamot kundi maging sa iba’t ibang anyo ng adiksyon na sumailalim sa nasabing programa at isuko ang lahat ng kanilang bisyo kay Kristo.

“Plano namin imbitahan pati mga nalulong sa alak ,nalulong sa bisyo at lahat ng uri ng pagkalulong at isasama natin sila doon na tutulungan at sa ngayon we’re still on the process of training the facilitators,” dagdag ng Obispo

Ang 12 Steps tungo sa pagbabago ng isang tao ay nakasentro sa pag-amin ng kasalanan, pagtanggap ng pagkakamali, paniniwala sa Diyos na pinakamakapangyarihan sa lahat, paghingi ng tawad at pagtawag sa Panginoon sa pamamagitan ng meditasyon at panalangin.

Sa tala ng Philippine National Police, humigit kumulang sa 1.3-milyon na ang mga drug surrenderers na sumuko sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ayon kay Bishop Famadico, ang walang hanggang pagpapatawad at pagmamahal ng Diyos sa kabila ng ating mga pagkukulang at pagmamalabis ang tunay na mensahe ng kuwaresma

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,285 total reads

 9,285 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,310 total reads

 44,310 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,794 total reads

 80,794 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 99,005 total reads

 99,005 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,846 total reads

 182,846 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 216,034 total reads

 216,034 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 355,433 total reads

 355,433 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top