Mataas na suweldo, panawagan ng CWS sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,093 total views

Hinamon ng Church People–Workers Solidarity (CWS) sa pamumuno ni Caritas Philippines President San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang pamahalaan na ibigay sa mga manggagawa ang makatarungang sahod at ligtas na lugar paggawa.

Iginiit ni Bishop Alminaza na hindi sapat ang 695-pesos na minimum wage sa National Capital Region para makapamuhay ng disente at may dignidad ang isang pamilya.

Tinukoy ng Obispo ang pag-aarral ng Ibon Foundation na 1,266-pesos ang family living wage sa NCR ng isang pamilya na mayroong limang miyembro.

“This is not merely an economic issue. It is a moral failure. Unemployment has risen to 5.8%, the highest since 2022, with hundreds of thousands of new jobs being insecure, contractual, and short-term. Work that strips dignity, denies stability, and withholds rightful benefits cannot be called just work,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Pinangangambahan din ng Obispo na tumataas na antas ng kawalan ng trabaho na nasa 5.8%, kasunod ang patuloy na pagdami ng mga contractual employees, walang kasiguraduhang trabaho at mga ulat ng aksidente at pagkamatay sa trabaho ng mga manggagawa na nagpapakita ng kakulangan sa occupational safety at enforcement ng mga pamantayan sa paggawa.

Ipinunto rin ng Obispo ang mga suliranin panlipunan katulad ng paglabag sa karapatang pantao sa mga lider na manggagawa at ang mga insidenteng karahasan sa ilang bahagi ng bansa tulad ng Negros Occidental na nananawagan ng masusing imbestigasyon at hustisya.

Dagdag pa sa mga ito ang epekto ng tumataas na presyo ng langis at krisis sa enerhiya na lalong nagpapabigat sa mga pamilyang manggagawa.

““𝑾𝒉𝒂𝒕𝒆𝒗𝒆𝒓 𝒚𝒐𝒖 𝒅𝒊𝒅 𝒇𝒐𝒓 𝒐𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒍𝒆𝒂𝒔𝒕 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆𝒔𝒆 𝒃𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒊𝒔𝒕𝒆𝒓𝒔 𝒐𝒇 𝒎𝒊𝒏𝒆, 𝒚𝒐𝒖 𝒅𝒊𝒅 𝒇𝒐𝒓 𝒎𝒆.” —𝐌𝐚𝐭𝐭𝐡𝐞𝐰 𝟐𝟓:𝟒𝟎. The Gospel of Work reminds us: the calloused hands of workers are sacred. They build our homes, sustain our communities, and participate in God’s ongoing creation. Our faith cannot remain within church walls. It must walk with workers, listen to their cries, and act for justice.,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Alminaza na pinadala sa Radyo Veritas.

Ipinaalala ng Obispo sa pamahalaan ang mga katuruan ng simbahan na ang ekonomiya ay dapat naka-sentro sa tao at dignidad sa paggawa hind isa tubo lamang.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 1,077 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

PAG-IBIG at Landers, lumagda sa Memorandum of Agreement

 2,782 total views

Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.

“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.

Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.

Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.

“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.

Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 8,641 total views

 8,641 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 83,771 total views

 83,771 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 115,052 total views

 115,052 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 147,069 total views

 147,069 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 298,941 total views

 298,941 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top