Pagsasapribado ng Agus-Pulangi hydropower, tinututulan ng Diocese of Ilagan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,213 total reads

Mariing tinutulan ng Diocese of Iligan ang anumang hakbang na isapribado ang Agus-Pulangi Hydroelectric Complex (APHEC), kasabay ng babala na maaari itong magdulot ng mas mataas na singil sa kuryente at mas mabigat na pasanin sa mga mahihirap na mamamayan sa Mindanao.

Sa inilabas na pastoral letter noong ika-10 ng Mayo, sinabi ni Bishop Jose Rapadas III na bagamat suportado ng diyosesis ang rehabilitasyon at modernisasyon ng tumatandang hydroelectric complex, dapat itong manatili sa pagmamay-ari at kontrol ng pamahalaan.

Tinutulan din ni Bishop Rapadas ang mga panukalang public-private partnership o iba pang concession agreements na maaaring maglipat ng epektibong kontrol ng pasilidad sa mga pribadong korporasyon.

“We firmly oppose any move toward the privatization—direct or indirect—of Agus–Pulangi… We affirm that public ownership must be accompanied by serious reform and accountability. To reject privatization is not to defend inefficiency, waste, or corruption,” pahayag ni Bishop Rapadas.

Ayon sa obispo, mahalagang pampublikong yaman ang Agus-Pulangi na naitayo sa pamamagitan ng buwis at sakripisyo ng sambayanang Pilipino at sa loob ng ilang dekada ay nagsilbing pinagkukunan ng mas abot-kayang renewable energy para sa mga komunidad sa Mindanao.

Iginiit din ni Bishop Rapadas na hindi likas na kahinaan ng sistema ang sanhi ng mga kasalukuyang suliranin nito kundi kakulangan sa pamumuhunan, maayos na polisiya, at modernisasyon na kaya namang tugunan ng pamahalaan sa ilalim ng pampublikong pamamahala.

“Essential services such as electricity, which enable people to live in dignity, cannot be seen only in terms of market value. They must be governed in a way that serves the common good, not merely private gain,” giit ng obispo.

Nagpahayag din ng suporta ang diyosesis sa mga panawagan ng civil society groups, mga manggagawa, at lokal na pamahalaan ng Iligan City na tutulan ang privatization dahil maaari itong magresulta sa pagtaas ng singil sa kuryente, pagkawala ng kita ng pamahalaan, at paghina ng pananagutan ng mga namamahala.

“When a basic necessity like power is treated mainly as a commodity rather than as a service for the common good, it is the poor who suffer first and most,” dagdag pa ni Bishop Rapadas.

Kasabay nito, hinimok ng diyosesis ang mga mananampalataya na maging mapanuri, makilahok sa mapayapang adbokasiya, at suportahan ang mga legal na hakbang upang mapanatili ang Agus-Pulangi bilang pampublikong renewable energy asset para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga Mindanawon.

Nakasaad sa Social Doctrine of the Church na ang mga batayang serbisyo at yamang mahalaga sa buhay ng tao ay dapat pangasiwaan para sa kabutihang panlahat, lalo na ng mga higit na nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 21,451 total reads

 21,451 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 106,857 total reads

 106,857 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 170,699 total reads

 170,699 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 258,402 total reads

 258,402 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 340,369 total reads

 340,369 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 220,301 total reads

 220,301 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top