Ruel Ucat, humingi ng kapatawaran kay Archbishop Cabantan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,379 total reads

Humingi ng paumanhin si Ruel Ucat kay Archbishop Jose Cabantan at sa mga mananampalataya ng Archdiocese of Cagayan de Oro matapos ang kontrobersiyang pagpapakilala nitong pari kahit walang clerical authority sa alinmang ecclesiastical jurisdiction sa bansa.

Nauna nang nagbabala ang arkidiyosesis laban kay Ucat at hinimok ang publiko na maging mapanuri sa mga nagpapakilalang lingkod ng Simbahan.

Sa panibagong pahayag ng arkidiyosesis, sinabi nitong personal na nakipagpulong si Ucat kay Archbishop Cabantan at nagpahayag ng pagsisisi at hangaring makabalik sa Simbahang Katolika.

“Mr. Ruel Ucat has earnestly sought forgiveness for his past actions and expressed sincere repentance,” ayon sa pahayag.

Ayon pa sa arkidiyosesis, pormal nang tumiwalag si Ucat sa dating denominasyon nito at nais nang ganap na makabalik sa pakikipagkaisa sa Simbahang Katolika bilang isang layko.

“Mr. Ucat has formally resigned from his previous denomination. He now desires to return to the full communion of the Roman Catholic Church as a layperson,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng arkidiyosesis na layunin ni Ucat na muling pagtibayin ang kanyang pananampalataya at katapatan sa mga aral ng Simbahan.

“In doing so, he seeks to renew his faith and reaffirm his commitment to the Church and its teachings.”

Muli namang pinaalalahanan ng Simbahan ang mga mananampalataya na maging mapagmatyag sa mga nagpapanggap na pari o lingkod ng Simbahan at tiyaking beripikado ang clerical status ng mga ito, lalo na sa mga gawaing isinasagawa sa labas ng mga parokya at diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 121,405 total reads

 121,405 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 154,734 total reads

 154,734 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 186,878 total reads

 186,878 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 252,941 total reads

 252,941 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 264,402 total reads

 264,402 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top