Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagpasok ng North Luzon Mineral Resources Corporation sa Nueva Vizcaya, kinundena ng Kalikasan PNE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,653 total views

Kinundena ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) ang pagpasok ng North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC) sa Kasibu, Nueva Vizcaya, kasabay ng pinaigting na pagtutol ng mga residente na muling nagtayo ng barikada sa Barangay Pao upang harangin ang operasyon ng kumpanya.

Ayon sa grupo, may hawak na exploration permit ang NLMRC para sa paghahanap ng copper, gold at iba pang mineral sa mahigit 4,400 ektarya na sumasaklaw sa ilang bahagi ng Barangay Pao at karatig na lugar.

Ikinabahala ng Kalikasan PNE na ang naturang proyekto ay maaaring magbukas ng mas malawak na pagmimina sa Nueva Vizcaya na maglalagay sa panganib sa kabundukan, agrikultura, at kabuhayan ng mga lokal na komunidad.

“Once again, the people of Nueva Vizcaya have raised a barricade in defense of their land, life, and livelihood… Behind the language of ‘exploration’ and ‘development’ lies the same old reality: large-scale mining corporations descending upon rural communities to plunder land and resources for profit,” pahayag ng Kalikasan PNE.

Ayon pa sa grupo, matagal nang nakaranas ng tensyon at panlilinlang ang mga residente ng Kasibu sa mga naunang pagpasok ng ilang kumpanya ng pagmimina, kabilang ang alegasyong gumamit ang kumpanya ng ibang proyekto upang makapasok sa komunidad.

Iginiit ng Kalikasan PNE na ang sitwasyon sa Kasibu ay bahagi ng mas malawak na laban ng mga pamayanang apektado ng pagmimina sa Nueva Vizcaya, kabilang ang mga naunang kilos-protesta laban sa iba pang mining operations sa lalawigan.

“Time and again, the people have shown that organized resistance is stronger than corporate greed. The barricade in Pao is a declaration that the people will not surrender their land and future to mining plunder,” ayon sa Kalikasan PNE.

Nanawagan din ang Kalikasan PNE ng mas malawak na suporta mula sa publiko at iba’t ibang sektor upang pigilan ang paglawak ng mga mapaminsalang operasyon ng pagmimina sa bansa, lalo na sa mga lupang sakop ng mga komunidad at katutubong pamayanan.

Una nang nagpahayag ng suporta si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mga residente ng Kasibu at muling nanindigan laban sa mapaminsalang pagmimina sa Nueva Vizcaya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 10,840 total views

 10,840 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 78,328 total views

 78,328 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 99,393 total views

 99,393 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 122,102 total views

 122,102 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 158,940 total views

 158,940 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top