Obispo ng Kalibo, tutol sa Boracay bridge project

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,921 total reads

Mariing tinutulan ni Kalibo Bishop Cyril Villareal ang isinusulong na Boracay Bridge project, at iginiit na maaari itong magdulot ng malawakang pinsala sa kalikasan, kabuhayan, at moral na kalagayan ng isa sa pangunahing tourist destinations ng bansa.

Ayon sa obispo, ang planong P7.78-bilyong tulay na mag-uugnay sa Boracay Island at mainland Aklan ay maaaring makaapekto sa marupok na yamang-dagat ng isla, kabilang ang mga coral reef at iba pang marine ecosystems.

Nagpahayag din ng pangamba si Bishop Villareal na maaaring maapektuhan ang komunidad ng mga katutubong Ati sa isla, kabilang ang posibleng pagkawala ng tirahan at unti-unting paglaho ng kanilang kultura at kabuhayan.

Hinamon ng obispo ang pamahalaan na unahin ang kapakanan ng mamamayan, kaysa sa pansariling interes.

“It’s not about yourself or what you can get from it but rather for the good of the people,” ayon kay Bishop Villareal.

Nagbabala rin ang obispo na maaaring magbunsod ang proyekto ng higit na komersyalisasyon sa isla, kabilang ang posibleng pagpasok ng mga casino at iba pang anyo ng pagsusugal na maaaring magdulot ng pinsala sa mga pamilya at pamayanan.

Nanawagan si Bishop Villareal ng mas malawak na konsultasyon sa publiko, at binigyang-diin na ang proyekto ay hindi lamang usaping pangkabuhayan kundi may malalim ding epekto sa moralidad at lipunan.

“I hope you will listen to the local leaders and spiritual leaders because we understand the situation here. We live with the people,” ayon kay Bishop Villareal.

Nauna nang sinabi ng Malacañang na kinumpirma ng Department of Public Works and Highways na aprubado na ang kasunduan para sa 2.54-kilometrong Boracay Bridge project, na itatayo ng San Miguel Corporation sa ilalim ng public-private partnership arrangement.

Magugunita na noong 2018 ay pansamantalang ipinasara ng pamahalaan ang Boracay upang isailalim ito sa malawakang rehabilitasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 118,392 total reads

 118,392 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 151,721 total reads

 151,721 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 183,865 total reads

 183,865 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 249,927 total reads

 249,927 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 261,585 total reads

 261,585 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,435 total reads

 122,435 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top