Bishop Santos, nagpahayag ng pakikiisa at panalangin sa mga Filipino seafarer

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,084 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa at panalangin si Bishop Ruperto Santos para sa mga Pilipinong seafarers na humaharap sa matinding panganib at pangamba habang naglalayag sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng mga insidente ng drone attacks sa Straits of Hormuz at sa banta ng hantavirus na nakaapekto sa ilang Filipino crew members.

Bilang CBCP Bishop Promoter ng Stella Maris-Philippines, kinilala ni Bishop Santos ang takot, pangamba, at hirap na dinaranas ng mga marino na malayo sa kanilang pamilya habang nagpapatuloy ang tensyon sa Gitnang Silangan.

“Though miles separate us, please know that you are close to our hearts, our prayers, and our thoughts every day,” ayon kay Bishop Santos.

Ayon pa sa obispo, marami sa mga seafarers ang nakararanas ng matinding pangamba para sa kanilang kaligtasan at kinabukasan bunsod ng banta sa kanilang seguridad at kalusugan.

“Some of you may feel helpless, worried, or even forgotten. But please remember this: you are not alone,” giit ng obispo.

Hinimok din nito ang mga marino na manatiling matatag at kumapit sa pananampalataya sa gitna ng krisis.

“Hold firmly to hope. Never allow despair to overcome your spirit,” saad ni Bishop Santos.

Tiniyak naman ng Simbahan ang patuloy na pananalangin para sa proteksyon, kaligtasan, at kapakanan ng mga overseas Filipino seafarers.

Nanawagan din ang obispo ng agarang pagtataguyod ng kapayapaan upang matigil ang karahasan at panganib na naglalagay sa alanganin sa buhay ng libu-libong manggagawa sa karagatan.

“We continue to pray fervently for your protection, safety, and sound mental and emotional health. We pray that peace may soon prevail and that the violence and war may come to an end,” ayon pa kay Bishop Santos.

Kinilala rin ng obispo ang mahalagang ambag ng mga Pilipinong marino sa kanilang pamilya at sa bansa sa kabila ng mga sakripisyo at panganib na kanilang kinahaharap.

“You have sacrificed so much for your families and for our nation. Your hard work, courage, and perseverance are deeply valued and appreciated,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Dalangin din ng obispo ang ligtas na pagbabalik ng mga seafarers sa Pilipinas at tiniyak na hindi sila pinababayaan ng Diyos sa gitna ng kanilang pinagdaraanan.

Kamakailan ay kinumpirma ng Department of Migrant Workers na pitong Filipino seafarers ang nasugatan sa pag-atake ng Iran sa Maltese-flagged container ship na CMA CGM San Antonio noong May 5.

Samantala, nasa 38 namang Pilipino ang sakay ng cruise ship na M/V Hondius na kasalukuyang sumasailalim sa quarantine sa Rotterdam dahil sa banta ng hantavirus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 21,260 total reads

 21,260 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 57,960 total reads

 57,960 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 111,795 total reads

 111,795 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 174,417 total reads

 174,417 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 242,171 total reads

 242,171 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top