Huwag gawing “pageantry” ang Santa Cruzan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,512 total views

Panatilihin ang kasagraduhan ng Santa Cruzan at huwag ikonekta ito sa mga makamundong bagay.

Ito ang paalala ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa pagdaraos ng mga Santa Cruzan sa huling linggo ng buwan bilang bahagi ng Flores De Mayo.

Ayon sa Obispo, bagamat tunay na magaganda at guwapo ang mga nagiging kaisa sa tradisyon ay huwag itong mahaluaan ng ‘pageantry’ at sa halip ay isentro sa mga pagdaraos nito ang respeto, kabanalan at pananampalataya.

“Dahil minsan mayroong mga pageantry na nangyayari. At minsan ito po ay kung ano-ano nangyayari doon, kalaswaan at saka sana po ito po ay magkaroon ng respect dahil hindi naman po ito sang-ayon sa ating right reason at sa ating mga gawain, Kung mayroon na tayong disrespect, lalong-lalo na doon sa pageantry,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Florencio.

Umaasa ang obispo na ipagpaliban muna ang mga kasabay na gawain sa mga pagdaraos ng Santa Cruzan at ilipat ito sa ibang panahon upang mapanatili ang kasagraduhan nito at smaiwasan ang pageantry.

Ito ay upang maaalala na ang diwa ng pagdaraos ng Santa Cruzan na paghahanap at pagtatagumpay ng krus ni Hesukristo.

“Siguro iba na lang na paraan, iba na lang na panahon, in a way, ang haba-haba ng maraming araw na pwede pagpilian. Huwag naman i-timing doon sa kung saan nandito yung Flores de Mayo at pag-aalay natin sa Mahal na Birhen. At sana po ay pakinggan itong ating mga kababayan, ating mga mananampalataya. Maraming salamat! God bless!,” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Florencio.

Ang Flores de Mayo ay isang tradisyong Katoliko na isinasagawa tuwing buwan ng Mayo bilang pag-aalay ng bulaklak at debosyon sa Mahal na Birheng Maria habang ang Santacruzan naman ay isang marangyang prusisyon na nagsisilbing tampok na pagdiriwang sa pagtatapos nito.

Ginugunita ang Santa Cruzan sa paghahanap ni Reyna Helena sa Banal na Krus na pinagpakuan kay Hesukristo, dahil bahagi ng kulturang pananampalataya sa Pilipinas ang dalawang tradisyon na ipinapakita ang matibay na debosyon ng mga mananampalataya kay Maria, pagpapahalaga sa Krus ni Kristo, at pagpapanatili ng mga kaugaliang Kristiyano na nagbubuklod sa mga pamayanan tuwing buwan ng Mayo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 71,848 total views

 71,848 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 102,071 total views

 102,071 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 128,721 total views

 128,721 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 223,694 total views

 223,694 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 240,025 total views

 240,025 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top