MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 167,800 total reads

Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan?

Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang itatawag sa mga Senador. Kung merong mga drama Queen., marami na rin ang mga komedyante. Ang nakakalungkot, ang Senado ay nagiging Senate of illiterate na?

Kapanalig, kung naguguluhan ka sa Senado., kung panahon ang pag-uusapan mapapakamot ka sa ulo. Pati pala panahon ay litong-lito na? Bakit?

Nahaharap ngayon ang Pilipinas sa tinaguriang “climate paradox” dahil sa pagbabago ng panahon o climate change.

Sa kasalukuyan, parehong pinaghahandaan ng mga ahensiya ng pamahalaan ang matinding tagtuyot at malawakang pagbaha.

Sinasabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magsisimula ang rainy season sa huling lingo ng Mayo at unang lingo ng Hunyo 2026 na magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa. Ang El Nino naman ay maaring magsimula ng Hunyo hanggang Agosto ng taong kasalukuyan. Paano nangyaring magkasabay ang dalawang sama ng panahon?

Di ba hindi magkatugma ang mga ahensiya ng pamahalaan, ang ibang ahensiya ay abala sa disaster preparedness habang ang ibang tanggapan ay ikinasa na ang emergency measures sa pinangangambahang tagtuyot na malaking epekto sa mga pananim.

Sa ulat ng Office of the Presidential Adviser, Peace, Reconciliation and Unity, ang CARAGA o Region 13 ay tinaguriang ground zero sa climate paradox kung nararanasan ang tagtuyot habang dumaranas din ng flash floods. Ang Region 9 naman ay kasalukuyang dumaranas ng matinding tagtuyot gayundin ang Region 10, 11, 12 na may pag-uulan.

Sa Luzon, 13 lalawigan tulad ng Abra, Apayao, Bataan, Benguet, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Vizcaya, Pangasinan at Zambales ay inaasahang makakaranas ng tagtuyot sa susunod na dalawang buwan.

Ano ang mangyayari kapag nag-overlap ang tag-ulan at tagtuyot? Ipinaliwanag ng PAGASA, ang southwest monsoon o habagat ay magdudulot ng malalakas na ulan mula Mayo hanggang Setyembre dahil sa epekto ng El nino.
Nagbabala pa ang PAGASA na mula Oktubre hanggang Disyembre ng kasalukuyang taon ay inaasahang malalakas na tropical cyclone, bagyo at supertyphoons ang tatama sa bansa.

Sinasabi sa encyclical na Laudato Si ni Pope Francis na ang mundo ay nahaharap sa dalawang krisis- crises, one environmental and the other social. “but rather with one complex crisis which is both social and environmental.”Ayon sa namayapang Santo Papa, we need “an integrated approach to combating poverty”, one which “protects nature” while at the same time “restoring dignity to the excluded” (139).

Kapanalig, upang matugunan ang pinsalang dulot ng climate crisis., patuloy ang paalala ng Simbahang Katolika na magkaroon tayo ng ecological conversion, maging mabuting katiwala ng panginoon sa sangnilikha.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 205,502 total reads

 205,502 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 240,175 total reads

 240,175 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 256,075 total reads

 256,075 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 292,563 total reads

 292,563 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 298,964 total reads

 298,964 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 205,503 total reads

 205,503 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 240,176 total reads

 240,176 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 256,076 total reads

 256,076 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 292,564 total reads

 292,564 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top