Sapat na kanin sa mesa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 98,484 total views

Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga pamilihan. Pero sa halip na dumepende tayo sa suplay mula sa mga sakahan natin, bumubuhos ang imported o inaangkat na bigas mula sa ibang bansa.

Mula Enero hanggang Mayo ngayong taon, umabot na sa mahigit 2.2 milyong metric tons ang inangkat na bigas ng Pilipinas. Mas mataas ito ng halos 15% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ayon sa Department of Agriculture, kinakailangan ito upang maiwasan ang kakulangan sa suplay matapos bumaba ng 6.3% ang lokal na produksyon ng palay sa unang apat na buwan ng taon. Umabot lamang ito sa 4.4 milyong metric tons, pinakamababang unang quarter output mula noong 2020. Pinangangambahang lalo pang lumiit ang ani dahil sa nagbabadyang Super El Niño, kung saan maaaring mawala ang tinatayang hanggang 700,000 metric tons ng produksyon dahil sa tagtuyot, bukod pa sa  hanggang 600,000 metric tons na posibleng mapinsala ng mga bagyo.

Sa sitwasyong ito, kawawa ang ating mga magsasaka! Kapag bumubuhos ang imported na bigas sa merkado, bumababa rin ang presyo ng pagbili sa kanilang palay. Marami ang napipilitang magbenta sa mas mababang halaga upang makasabay sa murang imported na bigas. Sa huli, wala silang kikitain at hindi mababawi ang puhunan.

Nakakabahala pa ang naging pahayag ni Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa. Aniya, nag-aangkat tayo dahil sa inflation at sa mas murang presyo ng imported na bigas.

Bakit nga ba mas mura ang imported na bigas kaysa sa produktong pinaghirapan ng ating sariling mga magsasaka? Hindi ba dapat mas mura ang lokal na produkto dahil dito mismo ito itinatanim at inaani?

Ang sagot sa katanungang ito ay hindi matatagpuan sa ating mga magsasaka. Matatagpuan ito sa sistemang matagal nang nagpapabigat sa kanilang pasanin. Kulang na kulang ang suportang natatanggap nila mula sa pamahalaan–mula sa irigasyon at makabagong teknolohiya hanggang sa tulong upang mapababa ang gastos sa produksyon. Ang mga problemang ito ay hindi bago at hindi lingid sa kaalaman ng pamahalaan. Ngunit kahit malinaw na ang problema, pag-aangkat pa rin ng bigas ang pangunahing tugon ng pamahalaan sa tuwing may kakulangan sa suplay!

Ano na ang nangyari sa paalalang “support local” o ”tangkilikin ang sariling atin“? Tila mas matimbang sa gobyerno ang murang bigas mula sa ibang bansa kaysa sa ani ng sarili nating mga magsasaka. Ang tunay na pagpapahayag ng suporta sa lokal na agrikultura ay hindi lamang paghikayat na bumili ng produktong Pilipino. Ito ay ang pagtitiyak na may sapat at pangmatagalang suporta ang mga magsasaka upang mapababa ang gastos sa produksyon at maging abot-kaya rin ang kanilang mga produkto.

Wala namang masama sa pag-import, pero hindi lamang ito dapat maging pangunahin at pangmatagalang solusyon. Gagamitin lang ang importasyon kapag hindi na talaga kayang tugunan ng lokal na produksyon ang pangangailangan ng bansa.

Mga Kapanalig, sa Bibliya, kadalasang ginagawang simbolo ng sipag, tiyaga, at pananampalataya ang pagtatanim. Ngunit sinasabi rin dito, lalo na sa 2 Timoteo 2:6, ”ang magsasakang nagpapakapagod ang dapat na unang makinabang sa mga ani.” Paalala ito na maging ang mga nagtatanim para tayo ay may kainin ay nararapat lamang na makinabang din sa bunga ng kanilang paggawa. Kaya naman, tulad ng binigyang-diin ni Pope Francis, may pananagutan ang mga namumuno na magbigay ng malinaw at matatag na suporta sa kanila. Kung nais nating matiyak na may kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kailangan nating tiyaking ang mga magsasaka natin ay may sapat na suporta, kakayahan, at pag-asang sila ay may aanihin sa pagtatanim nila.

Sumainyo ang katotohanan.

Walang saysay ang kayamanan kung nawawala ang kaluluwa-Archbishop Uy

 4,432 total views

Nagpaalala si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mananampalataya na ang tagumpay ay biyaya, subalit hindi dapat makamit kapalit ng pamilya, katapatan at ugnayan sa Diyos.

Sa kanyang pagninilay sa Ebanghelyo ni San Mateo, sinabi ng arsobispo na walang saysay ang pagkakaroon ng maraming salapi at ari-arian kung mawawala naman ang ating kaluluwa.

“My dear brothers and sisters, success is a blessing—but not if it costs us our soul,” ayon kay Archbishop Uy.

Ayon sa pastol ng simbahan hindi masama ang magsikap, magtrabaho at mangarap para sa magandang buhay, subalit mahalagang tiyakin na hindi dapat nakakalimutan ang pamilya, ang kapwa at ang Diyos.

“Jesus is not saying that success is bad. He is not against hard work, business, or earning a living. On the contrary, He wants us to use our talents well and provide for our families,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy sa facebook post ng Archdiocese of Cebu

Paalala pa ni Archbishop Uy, darating ang panahon na maiiwan natin ang ating pera, ari-arian, posisyon at mga tagumpay.

Ang tunay na kayamanan ay ang pagmamahal na naibigay, mga taong natulungan at ang katapatan sa Diyos.

Kaya hinikayat niya ang lahat na magsikap at gamitin nang mabuti ang kanilang mga talento, ngunit huwag hayaang ang pera at tagumpay ang mangibabaw sa ating buhay.

Paalala pa ng arsobispo, “We are all just passing through this world. This life is not our final destination. If we spend all our time collecting things that cannot last, we may forget to seek the One who lasts forever.”

Sinabi ni Archbishop Uy na ang pinakamahalagang tagumpay ay ang buhay na puno ng pagmamahal at nananatiling tapat kay Kristo.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 20,809 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 44,136 total views

 44,136 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 116,718 total views

 116,718 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 148,000 total views

 148,000 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 180,016 total views

 180,016 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 330,018 total views

 330,018 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

CONFIDENTIAL FUND

 44,137 total views

 44,137 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 116,719 total views

 116,719 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 148,001 total views

 148,001 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 180,017 total views

 180,017 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »
Scroll to Top