Mga Obispo, nakibahagi sa national signing day para sa people’s initiative

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,977 total views

Aktibong nakibahagi ang mga Obispo sa naganap na National Signing Day para sa isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative.

Nagpaabot ng pasasalamat ang Dapat Isa Lang (D1L) Movement sa lahat ng mga nakibahagi sa isinagawang National Signing Day noong Hunyo 12, 2026 kasabay ng Araw ng Kalayaan bilang suporta sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law.

Ayon sa D1L Movement, ang matagumpay na pagsisimula ng signature campaign ay patunay ng lumalawak na suporta ng mga mamamayan para sa repormang naglalayong wakasan ang pamamayani ng mga dinastiyang pampulitika at palawakin ang partisipasyon ng mga ordinaryong Pilipino sa pamahalaan.

Kabilang sa personal na nakibahagi sa naganap na National Signing Day sina Legazpi Bishop Joel Baylon at Imus Bishop Reynaldo Evangelista bilang suporta sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative.

Matatandaang una ng nagpahayag ng suporta si Bishop Baylon sa layunin ng Dapat Isa Lang Movement sa pamamagitan ng isang pastoral letter.

Samantala, lumagda rin si Bishop Evangelista sa naturang petisyon bilang pakikiisa sa lumalawak na panawagan para sa pagpapatibay ng batas na naglalayong pigilan ang pamamayani ng mga dinastiyang pampulitika at palawakin ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pamamahala.

Nagpasalamat din ang Dapat Isa Lang Movement sa mga nagpahayag ng kahandaang magsagawa ng signature collection sa kani-kanilang mga komunidad, at binigyang-diin na ang sigla at suporta ng mga volunteers ang nagbibigay-lakas sa kilusan upang maabot ang mas maraming lugar.

Iginiit naman ng D1L Movement na magpapatuloy ang kampanya bilang bahagi ng kanilang hangarin na maisulong ang isang mas makatarungan, mas bukas, at mas tunay na demokratikong sistema ng pamamahala para sa bansa.

Patuloy namang hinihikayat ng Dapat Isa Lang Movement ang publiko na makiisa sa signature campaign bilang bahagi ng pagsusulong ng mga repormang nagtataguyod ng pananagutan, mabuting pamamahala, at mas malawak na representasyon sa sistemang pampulitika ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 15,850 total views

 15,850 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 48,932 total views

 48,932 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 77,283 total views

 77,283 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 145,013 total views

 145,013 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 166,911 total views

 166,911 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top