Huwag umabuso sa kapangyarihan, paalala ni Bishop Villarojo sa 8-bagong pari ng Diocese of Malolos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,972 total views

Binigyang-diin ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang kahalagahan ng integridad, kababaang-loob, at tapat na paglilingkod sa mga mananampalataya.
Ito ang mensahe ng obispo sa walong bagong paring inordinahan sa diyosesis, kasabay ng paalala laban sa pang-aabuso sa kapangyarihan at sa paghahangad ng pansariling pakinabang sa ministeryo.

Sa kanyang homiliya sa ordinasyon, inilarawan ng obispo ang pari bilang isang taong patuloy na hinuhubog ng Diyos o isang “obra” na nililikha ng Panginoon.
“Akala natin ang integridad ay pagiging buo. Tama po iyon. Ngunit tayo ay binubuo sa pamamagitan ng awa at biyaya ng Diyos. Tayo’y basag; pinag-oobra lang ng Panginoon. Pinag-oobra lang, kaya huwag sana tayong sumobra,” ayon kay Bishop Villarojo.

Paalala ng obispo sa mga bagong pari na ang kanilang bokasyon ay isang tawag sa paglilingkod at hindi sa paghahari o pag-abuso sa kapangyarihan.
Aniya, nawa’y taglayin ng bawat pari ang mga katangian ni Hesus sa paglilingkod sa kawan.

“Tayo’y pinag-oobra upang maging lingkod; huwag naman tayong sumobra at maging Panginoon. Tayo’y pinag-oobra upang maging pastol; huwag naman sana tayong sumobra at maging asong-gubat,” ayon pa sa obispo.

Binalaan din ni Bishop Villarojo ang mga pari laban sa materyalismo o anumang kapalit sa kanilang pagtupad sa tungkulin sa ministeryo.

“Tumanggap tayong walang bayad; magbigay din tayo nang hindi umaasa sa anumang kabayaran. Huwag tayong sumobra na bawat obra ay may kaukulang sobre,” aniya.
Ayon sa obispo, ang integridad ng isang pari ay hindi lamang nasusukat sa kanyang mga sinasabi kundi higit sa kanyang pamumuhay at sa pakikitungo sa mga taong ipinagkatiwala sa kanya ng Simbahan.

Iginiit din ng obispo na ang pakikipag-ugnayan ng mga pari sa kanilang nasasakupan ay dapat magbigay ng kakayahan at pag-asa sa iba, sa halip na lumikha ng pagdepende o pagmamanipula.

“Let your relations be empowering. Nagbibigay ng kapangyarihan. Nagbibigay ng kakayahan. Not creating dependencies that lead to manipulation,” ayon sa obispo.
Kasabay nito, nagbabala rin ang obispo laban sa paggamit ng impluwensya at katungkulan para sa pansariling kapangyarihan.

“Huwag nating gamitin ang kakayahang ito upang maglikom ng kapangyarihan o maging instrumento ng katiwalian,” saad ni Bishop Villarojo.

Binigyang-diin din ng obispo na ang bokasyon ng pagpapari ay hindi dahilan upang manatiling mahina o hindi nagsisikap na magbago, kundi isang paanyaya upang maging instrumento ng pagbabago sa sarili at sa lipunan.

Hinimok ni Bishop Villarojo ang walong bagong pari at ang buong sambayanan na patuloy na magtiwala sa biyaya ng Diyos at ialay ang kanilang buong sarili sa Kanyang kalooban.
Kabilang sa mga inordinahang pari sina Frs. Kelvin Yonell Cruz Alejandro, Wyntelmou Michiko Gabat Avila, Ariz Vargas De Castro, Mark Joseph Santos Lorenzo, Joshua Alfaro Reyes, RR Antoni Camorungan Reyes, Samuel Nicole Carpio Reyes, at Kristian Lum Tolentino.

Ginanap ang ordinasyon sa Immaculate Conception Cathedral Parish and Minor Basilica o Malolos Cathedral sa Malolos City.

Dumalo sa pagtitipon sina Bishop Bartolome Santos, Jr. (Iba) at Bishop Deogracias Iñiguez, Jr. (Kalookan), ang mga pari ng diyosesis, ang pamilya ng mga inordinahan, at ang mga mananampalataya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,781 total views

 10,781 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 39,132 total views

 39,132 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 106,862 total views

 106,862 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 130,013 total views

 130,013 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 199,431 total views

 199,431 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top