Magbalik-loob sa diyos, paanyaya ng rector ng Pinaglabanan church sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,619 total reads

Hinimok ni Father Mike Kalaw – Rector at Parish Priest ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. John the Baptist o Pinaglabanan Church ang mga mananampalataya na gawing pagkakataon ang pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista upang higit na magbalik-loob sa Diyos at makibahagi sa Kanyang misyon.

Ayon kay Fr.Kalaw, ang kapistahan ay hindi lamang para sa isang pamayanan o komunidad kundi para sa lahat ng mga nananalig upang patuloy na mailapit ang kanilang buhay sa Panginoon at maakay ang kapwa sa pananampalataya na pangunahing mensahe ni San Juan Bautista ang pag-akay sa mga naliligaw ng landas upang muling mapalapit sa Diyos.

Binigyang-diin din ni Fr. Kalaw ang kababaang-loob na isinabuhay ni San Juan Bautista sa kanyang pahayag na, “I must decrease, and He must increase,”.

“Napakahalaga po ng ating ipinagdiriwang po ngayon kasi ito’y isang paalala po sa atin na ang bawat isa sa atin ay kailangang magbalik-loob sa Diyos. At alam po natin, ayan ang pinaka-mensahe ng ating mahal na patron, si San Juan Bautista, that we always become a part of His mission, also to bring others closer to God. Kaya siguro itong pagdiriwang po ito ay hindi lang para sa isang pamayanan, sa isang komunidad, kundi sa lahat ng mga nananalig sa Diyos na patuloy na sana ang kanilang buhay ay patungo palagi sa ating Panginoong Diyos. Kaya nga siguro napakaganda nung sinabi ng ating mahal na patron, “I must decrease. And He must increase.” At ‘yun ang buhay natin bilang mga mananampalataya ng Diyos,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Kalaw.

Nagpahayag naman ng pasasalamat si San Juan City Mayor Francis Zamora kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa pangunguna nito sa pagdiriwang ng Fiesta Mass para sa Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista, ang patron ng lungsod ng San Juan City.

Ayon kay Mayor Zamora, kasabay rin ng pagdiriwang ng kapistahan ang paggunita sa ika-limang anibersaryo ng pagkakatalaga ni Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Maynila.
Nagpasalamat din ang alkalde sa patuloy na pagtanggap ni Cardinal Advincula sa paanyaya ng lungsod na pangunahan ang banal na misa tuwing ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Juan Bautista.

Pinasalamatan din nito ang mga parokyano at debotong nakiisa sa taunang pagdiriwang.
Patuloy naman na hinihikayat ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na tularan ang buhay ni San Juan Bautista sa pamamagitan ng kababaang-loob, pagbabalik-loob sa Diyos, at paglilingkod sa kapwa. Kaakibat ito ng panawagan ni Pope Leo XIV na maging tunay na mga saksi ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng pananampalatayang isinasabuhay araw-araw at ng aktibong paglilingkod sa Simbahan at sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 47,298 total reads

 47,298 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 69,389 total reads

 69,389 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 169,207 total reads

 169,207 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 202,531 total reads

 202,531 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 233,208 total reads

 233,208 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top