Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok na tumugon sa paanyaya ng birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total views

Hinimok ni Zamboanga Archbishop Julius Tonel, vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang mga mananampalataya na tumugon sa paanyaya ng Mahal na Birheng Maria sa pagsisisi, panalangin at pagbabagong-buhay.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagdalaw ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Zamboanga City na dumating noong June 24.

Sa kaniyang homiliya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista, binigyang-diin ng arsobispo na nananatiling huwaran si Maria sa misyon ng Simbahan sa bagong ebanghelisasyon.

Ayon kay Archbishop Tonel, tulad ng paghahanda ni San Juan Bautista sa pagdating ng Mesiyas, inihanda rin ng Mahal na Birhen ang mga tao upang tanggapin si Hesukristo sa pamamagitan ng kanyang pagpapakita sa Guadalupe.

“At Guadalupe, Mary prepared the way by bringing the light of her Son to the Aztec people. Her mission was to evangelize and give hope to the indigenous people of Guadalupe,” pahayag ni Archbishop Tonel.
Binigyang-diin ng arsobispo na ang pagbisita ng pilgrim image ay paanyaya sa mga mananampalataya na pagnilayan ang mensahe ng Our Lady of Guadalupe habang nalalapit ang paggunita sa ika-500 anibersaryo ng kanyang aparisyon sa Mexico sa taong 2031.

“I pray for the grace that as we join the 500 years of her apparition in Guadalupe, we may be ready to listen to her words in her call for repentance, prayer, and conversion of life,” ani ng arsobispo.

Ipinaliwanag din ni Archbishop Tonel na ang larawan ng Our Lady of Guadalupe ay sumasalamin sa pagiging malapit ng Diyos sa bawat kultura at lahi.

Sinabi ng arsobispo na pinili ng Mahal na Birhen na magpakita sa anyong katutubo upang ipabatid sa mga Aztec na siya ay kabilang sa kanilang bayan at inaanyayahan silang lumapit sa kanyang anak.
“Mary wants to tell them that she is one like them and invites them to ‘take refuge beneath her mantle.’ Mary comes to the local people, draws them under her mantle, and makes room for Christ to be welcome in a particular culture,” dagdag ng arsobispo.

Kaugnay nito, hinimok ni Archbishop Tonel ang Simbahan na patuloy na isabuhay ang ebanghelyo sa iba’t ibang larangan ng lipunan.

“We ought to bring the Gospel uplifting the truth, justice, and love,”* aniya.
Binigyang-diin ng arsobispo ang pangangailangan para sa pagbabago sa kultura ng politika sa bansa, na kadalasang nakasentro sa pansariling interes sa halip na unahin ang kapakanan ng nakararami.

“We need the conversion of our political culture—from individualism to common good; from selfishness to service of the poor,” saad ni Archbishop Tonel.
Hinikayat din ng arsobispo ang pagpapalalim ng inkulturasyon ng pananampalataya sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Chavacano sa panalangin, sining at musika bilang paraan ng pagpapahayag ng Ebanghelyo sa lokal na pamayanan.

Tinukoy ng arsobispo ang digital space bilang isa sa mga pinakamahalagang misyon ng Simbahan sa kasalukuyang panahon.
“Most importantly, we need to bring the Gospel into the digital environment. We must become missionary disciples online, attentive to the needs of the people we encounter digitally, particularly young people whose social lives are increasingly intertwined with online spaces. The digital environment is a cultural space with its own language, dynamics, and relational forms, making it a new frontier for evangelization,” pahayag ni Archbishop Tonel.

Muling iginiit ng arsobispo na si Maria ang huwaran ng bagong ebanghelisasyon sapagkat patuloy niyang inihahatid ang sangkatauhan tungo sa Kaniyang Anak, si Hesukristo.
She is a model of our approach to new evangelization. Our Lady of Guadalupe calls us to come under her mantle, where everyone finds a place of comfort and protection,” ayon kay Archbishop Tonel.
Ang pagdalaw ng pilgrim image ng Our Lady of Guadalupe sa Archdiocese of Zamboanga ay bahagi ng pambansang paglalakbay bilang paghahanda sa ika-500 anibersaryo ng aparisyon ng Mahal na Birhen sa Tepeyac, Mexico noong 1531, na nagbigay-daan sa isa sa pinakamalalaking paglaganap ng pananampalatayang Katoliko sa kasaysayan.
Nagbuklod ang mga mananampalataya ng arkidiyosesis sa pagbibigay parangal sa Mahal na Birhen na mananatili sa lugar hanggang June 26 bago tumungo sa St. Joseph the Worker Cathedral ng Diocese of Ipil.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 54,720 total views

 54,720 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 75,785 total views

 75,785 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 98,807 total views

 98,807 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 136,846 total views

 136,846 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top