Morong Bataans, idineklarang no-nuclear zone

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,777 total reads

Pinuri ng Greenpeace Philippines ang pagpasa ng Sangguniang Bayan ng Morong, Bataan sa isang ordinansang nagdedeklara sa bayan bilang non-nuclear zone.

Sa ipinasang ordinansa noong Hunyo 22, ipinagbabawal sa Morong ang paglikha ng nuclear energy, muling pagbubukas ng nuclear facilities, at pag-iimbak ng nuclear waste sa loob ng bayan.

Ayon sa Greenpeace Philippines, ipinakikita ng ordinansa ang matibay na paninindigan ng lokal na pamahalaan na pangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan at ng kapaligiran sa gitna ng pagsusulong ng pambansang pamahalaan sa paggamit ng nuclear energy.

“The passage of the ordinance shows Morong’s strong commitment to protecting people and the environment,” ayon sa Greenpeace Philippines.

Matatagpuan sa Morong ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na matagal nang naging sentro ng pagtutol ng iba’t ibang sektor dahil sa mga pangamba sa kaligtasan at epekto nito sa kapaligiran.

Ilang araw bago ang maipasa ang ordinansa, nagtipon sa Bataan ang mga anti-nuclear organization mula sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Asia-Pacific Region para sa No Nukes Asia Forum.

Ginunita rin sa pagtitipon ang ika-41 anibersaryo ng makasaysayang Welgang Bayan noong 1985 na dinaluhan ng mahigit 33,000 mamamayang nagkaisa upang tutulan ang BNPP.

Nanawagan naman ang Greenpeace Philippines sa mga lider ng bansa na higit na pagtuunan ng pansin ang ligtas, malinis, at napapanatiling enerhiya bilang tugon sa krisis sa klima at lumalaking pangangailangan sa enerhiya.

“In this time of a climate crisis, our leaders must prioritize the safety of our communities by advancing clean, safe, and renewable energy sources like wind and solar,” ayon sa grupo.

Patuloy ding isinusulong ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang paggamit ng renewable energy habang tinututulan ang pagsusulong ng nuclear energy at iba pang pinagkukunan ng enerhiyang marumi at mapanganib sa kalikasan at kalusugan ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 32,751 total reads

 32,751 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 86,977 total reads

 86,977 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 150,658 total reads

 150,658 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 218,731 total reads

 218,731 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 248,917 total reads

 248,917 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,254 total reads

 47,254 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top