Pangalagaan ang Negros watersheds, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,346 total reads

Nanawagan si Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamahalaan at mga kinauukulang ahensya na tiyaking mapangangalagaan ang mga watershed ng Negros bago aprubahan ang panukalang P1.2-bilyong Negros Occidental Bulk Water Supply Project.

Ayon kay Bishop Alminaza, ang tubig ay kaloob ng Diyos na nagbibigay-buhay sa tao, mga pamayanan at buong sangnilikha, kaya’t ang pangangalaga sa pinagmumulan nito ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang moral na pananagutan para sa kasalukuyan at susunod na salinlahi.

“The ongoing discussion on the proposed Negros Occidental Bulk Water Supply Project presents us with a larger question: How do we safeguard the watersheds that sustain life across Negros Island while ensuring that development truly serves the common good?,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-pansin ng obispo ang position paper na inihain ng Green Alert Network Inc., St. Joseph the Worker Parish sa E.B. Magalona at mga kalahok sa Panuba-suba Educational Journey, na nananawagang ipagpaliban muna ang pag-apruba sa P1.2-bilyong proyekto hanggang matugunan ang mga usapin sa pangangalaga sa mga watershed, kalikasan at kapakanan ng mga pamayanan.

Nakasaad sa position paper ang panawagang magsagawa ng masusing pag-aaral sa kalagayan ng Northern Negros Natural Park at Mt. Kanlaon Natural Park, kabilang ang posibleng epekto ng proyekto sa mga underground aquifer at saltwater intrusion, gayundin ang pagpapalawak ng konsultasyon sa mga komunidad na maaapektuhan.

Iginiit ni Bishop Alminaza na sinusuportahan ng Simbahan ang kaunlarang tunay na nagsisilbi sa kabutihang panlahat, ngunit dapat itong igalang ang tao at ang sangnilikha.

“Water cannot be treated merely as a commodity to be extracted. It is a shared gift entrusted to us by God and must be managed responsibly, equitably, and sustainably,” ayon kay Bishop Alminaza.

Hinimok din ng pangulo ng Caritas Philippines ang mga ahensya ng pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, eksperto at iba pang sektor na magsagawa ng isang bukas, tapat at makabuluhang diyalogo upang matiyak na ang anumang proyektong pangkaunlaran ay tunay na nagsusulong ng kabutihang panlahat nang hindi isinasakripisyo ang kalikasan at kapakanan ng mga komunidad.

The future of Negros will not be secured by the volume of water we extract, but by how faithfully we protect the forests, rivers, and communities that make water possible. Caring for our watersheds is caring for our common home and for generations yet to come,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 31,786 total reads

 31,786 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 86,088 total reads

 86,088 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 149,769 total reads

 149,769 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 217,877 total reads

 217,877 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 248,065 total reads

 248,065 total reads Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 47,196 total reads

 47,196 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top