Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Antipolo, nagpahayag ng suporta sa White Ribbon march

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total views

Nagpahayag ng suporta si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa isasagawang White Ribbon March sa June 28 sa pamamagitan ng panawagan sa mamamayan na manindigan para sa katotohanan, katarungan at pananagutan sa gitna ng patuloy na usapin ng katiwalian sa bansa.

Sa kanyang pastoral statement na pinamagatang “A Call to Conscience, Truth, and Justice,” hinimok ng obispo ang mga mananampalataya na huwag kalimutan ang pinsalang idinulot ng korapsyon, lalo na ang mga alegasyong maling paggamit ng pondo ng bayan para sa mga flood-control projects.

“We must not ignore, conceal, or allow to fade from memory the cheating, theft, and loss of life caused by corruption, especially in the misuse of public funds such as flood-control projects,” ayon kay Bishop Santos.

Iginiit din ng obispo ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng mga imbestigasyon upang maihayag ang katotohanan, mapanagot ang mga responsable at makamit ang katarungan ng bawat Pilipinong biktima ng katiwalian.

“The Blue Ribbon investigations must continue. Not selectively, not as a political weapon, not as a means of escape, but as a path toward truth and accountability,” dagdag ni Bishop Santos.

Ayon pa sa obispo, muling ipinakikita ng mga pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang mabigat na epekto ng katiwalian sa mamamayan.

Aniya, ipinakikita ng mga suliranin ang kawalang pakialam ng mga namumuno sa bayan sa kapakanan ng mamamayang nahihirapan dulot ng korapsyon.

“And now, as rains return and floods rise again, we see the consequences of corruption. We suffer because of the greed of those who were entrusted with public service such as politicians, contractors, and officials who were reminded, ‘Have some shame,'” ani Bishop Santos.

Binigyang-diin din nito na dapat maibalik ang anumang ninakaw sa taumbayan at maipatupad ang katarungan nang walang kinikilingan.

“Let there be reparation. What was stolen must be returned. Justice must be applied—to anyone, to everyone, without fear or favor,” giit ng obispo.

Bilang pakikiisa sa panawagan para sa katotohanan at mabuting pamamahala, sinabi ni Bishop Santos na iaalay ng Diocese of Antipolo ang lahat ng Banal na Misa ngayong Linggo para sa katarungan at pagbabagong-loob ng mga pinuno ng pamahalaan.

“We pray for justice to prevail, for conversion of hearts, for leaders who place the welfare of the people above personal ambition and political survival,” saad ni Bishop Santos.

Ipag-uutos din ng pastol ang pagpapatunog ng mga kampana ng simbahan sa alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali at alas-6 ng gabi bilang paalala sa sambayanan na patuloy na manindigan para sa katotohanan.

Hinikayat din ni Bishop Santos ang mga mananampalataya na makiisa sa mapayapang White Ribbon March at dumalo sa Banal na Misa sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine sa alas 12 ng tanghali na pangungunahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng CBCP Commission on Interreligious Dialogue bilang pagpapakita ng pagkakaisa para sa katotohanan, katarungan at pambansang paggaling.

Binigyang-diin ng obispo na ang pakikiisa sa naturang pagkilos ay bahagi ng pananagutang Kristiyano.
“This is our Christian duty. To remember. To speak the truth. To demand justice. To pray for conversion. To stand with the people. To walk in the light,” saad pa ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 7,643 total views

 7,643 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 75,131 total views

 75,131 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 96,196 total views

 96,196 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 118,983 total views

 118,983 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 156,044 total views

 156,044 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top